Posts

‘Anim na Sabado ng Beyblade’ sa December 24

“Napabilang din ako sa beyblade ‘craze’ noong ako’y bata (kahit pa man babae ako). Isa lang ang original kong beyblade, yung kulay blue, kaya naman naging paborito ko ito. Minsan isinama ako ng tatay sa Cartimar, ibinili niya ako ng pinakamalaki kong beyblade, kulay puti. Doon lang din ako nakanood ng live beyblade battles pero dahil mahal ang beyblade ‘stadium’ kung saan dinaraos ang paglalaban, binigay na lang sa akin ng aking mga magulang ang kulay green na batsang panlaba.” Ito dapat ang una kong maaalala sa pagbabasa ng ‘Anim na Sabado ng Beyblade’. Dapat tuwa at saya ng nakaraang childhood, carefree na paglalaro, walang problema basta hawak ko ang beyblade ko. Pero hindi. Nasa jeep ako nang matapos kong basahin ang sanaysay. Hindi ko nabitawan ang photocopy, sa tricycle at jeep, sumakit man ang mata ko o mahilo, tuloy ang pagbabasa.  Hindi ko alam kung anong mararamdaman, iyakin pa naman ako sa mga bagay na ito. Hindi naman ako maka-iyak dahil nakapalibot sa aki...

Beer at Sinulid

“Ricky” Sunod-sunod ang tapik sa akin ni Jane. Sabado naman ah, bakit niya ako ginigising? “Ricky, ikaw ba yung nagpasok ng lahat ng sinulid ko? " “Oo” “Ano na naman bang pumasok sa isip mo?” _________________________________________________________________ Kagabi , pagkauwi ko ng bahay, naabutan ko na naman si Jane na nanahi. May alas-onse na, madaling araw na naman siya matutulog, sa makalawa na kasi ang delivery niya ng sampung kurtina. Noong isang buwan niya pa’to ginagawa, kung hindi lang sana napaka-arte ni Dona Clara at  gustong burdahan pa ng Japanese sequins at beads ang telang gawa sa Korean silk. “Naghanda ka pa, kumain na ako. Mamaya ka pa matatapos?” Nanatiling nakakunot ang kanyang noo.  “Jane?” Binitawan niya ang karayom at inabot ang Manila beer na nakatago sa likod ng mala-bundok na kurtina. Humagikhik ito, parang tawa ng bata. Tawa ng isang sira-ulong murderer na papatayin ang isang laruang manika. Nilapitan ko siy...

Uulitin pa (not really)

Noong December 16, sa Santo Domingo Church, first time kong makatulog sa patapos nang misa. 6pm, dala-dala ang violet kong backpack at hila-hila ang mabigat at malaking sakong bag (yung inilalako sa Quiapo at tabi-tabi, yung may zipper) bumaba ako ng jeep galing Quezon Avenue. 8pm sa UST chapel, anticipated na simbang gabi. Kahit nakatayo lang ako at nakasandal sa pader, habang nag-homily si Father, nakatulog na naman ako. Sa araw-gabi ko ba namang na pananahi, isang linggo na akong kulang sa tulog, pati na rin ang dormate kong si Sarah (super thank you!).         First-time ko kasing sumali ng bazaar noong nakaraang Linggo, para sa handmade business ko na Crazy Dreamy Crafts (like niyo ako sa FB!). Naisipan kong isulat ang experience ko, dahil alam kong maraming magtatanong. Napakarami kong supportive na mga kaibigan at sa lakas ko ba naman mag-share at mag-advertise sa Facebook, marami-rami ang mangangamusta.  Pero nakakasawa magpaulit-ulit ng k...

Photocopy

Siya ang pinakamatalinong Xerox girl na nakilala ko. Ay mali, photocopy girl pala. Tanging tag line/quotable-quote/pangaral niya ang ‘Xerox is the machine, its photocopy’. Matagal ko na siyang nakikita, palangiti, makwento at mabait. Maraming katrabaho ko na ang nagtangkang makipagkilala, sagot niya raw palagi ay ‘hindi kita kilala’. Ayaw tumanggap ng calling card, ayaw naman ibigay ang cellphone number. Buti marami akong ID. Tuesday – Company ID Tatlo ang naunang nagpa-photocopy, lahat sila ‘xerox’ ng ‘xerox’.  “Xerox is the machine, its photocopy.” Inabot ko ang ID, “pa-photocopy” sabi ko. Tumingin siya sa akin, saba’y ang pagkorte ng simpleng saya sa aming mga labi. Wednesday - Resume                 “Hmmm, Relations department? Sira ba yung photocopy machine dun?”, inusisa niya ang resume ko.             ...

Kulay

“Oi, saan room tayo?” - Sa kuwartong madilim, mailap ang tingin. San ilulugar ang mata, sa’yo? Pwede ba? “Nahiya yung polo ko.” - Kung may award sa polo na pinaka-pino ang plantsa, panalo ka na.  Dahil kung ako pagpa-plantsahin ng ganun, malamang lalabas ka ng bahay na naka-sando lang. “Ang bango!” - Musk, dark musk, ang sabi nila. Surf o Tide, para sa akin. Malayo ako para masiguro ang bango. Masyadong malayo. “Okay ka lang?” - Kinabahan ako. “Uwian na!” -  Patuloy na lumalim ang gabi, naghiwalay ang ating landas.  Ako palabas, ikaw paakyat. “Bawal sumakay diyan.” - Kakulay ng polo mo ang elevator.  Ninais kong makita na suot mo ang kulay na ito: maamo, maaliwalas, parang may ginhawa ang bukas. “Ano na?” - Unti-unting nagsara ang mga pinto ng makinarya. Hindi lang para sa akin ang kulay ng langit. "Tapos?" - 

Pagtitiis

Namula ang aking daliri, di nagtagal nangati na ang paligid. Tinanggal ko ang metal, pero kailangang ibalik. Ipinilit. Inikot-ikot. Para lang matahimik. Ito ang utos ng Diyos, bawal ang sumibat. Patuloy na nagreklamo ang manipis na balat, nagbanta ng pagsusugat. Di nagtagal, konsensiya’y kumampi sa maliit, malambot at batang-bata na daliri. Ninais kong itago pero ipinaubaya ko sa maruming ilog, ang paglunod sa alaala ng kumikinang na diamond. Initsapwera ang ‘kasalanan’, Sa wakas, nakahinga ang katauhan. Eh anong magagawa ko? Allergic ako sa wedding ring.

Resibo

Ang tanging maitatago ko lang ay isang pirasong resibo na may sulat-kamay mo at pirma ng iyong amo. Natatandaan ko pa ang iyong mga matang puno ng interes, ang kala’y masungit na itsura pero sa harap ko’y palangiti. Ang hindi kagwapuhang mukha, na nababawi ng iyong matipunong tindig. Namatay na nga pala ang alaga kong goldfish.  Wala na akong rason para bumalik. ________________________________________________________________ Binalot ng init ang ating mga katawan. Hindi nakatulong ang pag-alburoto ng kulob na lugar sa palubog na araw. Basa na ang manipis kong panyo. Kulang sa biyaya ng aircon ang sunod-sunod na pasilyo at tabi-tabing tindahan.  Hindi ko naintindihan ang sinabi mo. Mailap ang mga kilos mo, mailap naman ang mga mata ko. Hindi ako makatingin, hindi ka naman makadikit. Walang magalawan, kaya wala rin tayong nagawa kundi tumuon sa isa’t-isa. Pang-apat na beses ko nang pinaulit ang sinasabi mo, kaya natawa na lang ako. Tumawa  ka rin. T...