Posts

Showing posts from 2014

May Tsansa sa “Gusto kita”

Image
  Kinakabahan ka. Sobra, bonggang-bongga. Kaninang last 15 mins ka pa nakatayo as harap ng gate ng NAIA terminal 1. Iniintay na baka isa na siya sa lalabas. 30 minutes ago na nag-touch down ang eroplano mula sa John F. Kennedy airport, New York. Ang ganda-ganda mo ngayong araw, Maria! Kakagaling sa hot oil kahapon at plantsado ang buhok, ayos ang kilay, tamang eyeshadow, blush sa pisngi at kulay pink na lipstick. Suot mo ang bagong dark blue dress na may print ng mga bulaklak, kapartner ang blue na may gold linings na flat shoes. Perfect na perfect ang suot mo sa matamis na pabango, nga lang pinapawisan na ang mga palad mo. Disyembre 2014, malamig ang simoy ng hangin pero alam mong pag nakita mo na siya, may magpapainit na ng Paskong ito. Kaunting tiis pa Maria, malapit na! Naalala mo ang pangako niya sa’yo isa’t kalahating taon na ang nakakaraan, “I’ll meet you one day. I promise. I have to meet you.” Simula nang magkakilala kayo sa online internet game,...

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Image
From Nez Cruz photography Fast forward. I was sitting in the reception hall, a great friend asked “How was the wedding?” and all I can say was 4 words to sum it all up,  “Everything is so pretty” The last wedding I went to was a year ago, I was asked to sell my handcrafted goodies at the fair-reception area. It was a quick one and I only got glimpses of it, the other weddings well, was years ago as a flower girl when I wasn't even 10, wearing hot and itchy silk dress. I know weddings, yes I saw them – on the internet. On some days, I find myself spending away my hours on vimeo, a video website wherein known wedding videographers post their collection of work. I was there mostly to study the video editing skills and look for the event details as it crossed my mind to try the events field. But as videos in hd will started to load, I get a glimpse of what weddings in this day and age will feel like, how love might look like, sadly 3 minutes was all I got. A ...

Sinumpa Akong Hindi Magkaka-boyfriend. Shet.

“Hindi ka magkaka-boypren” sabi niya sa akin. What. The. Hell. And she has the nerve to tell me that? Ang kapal, please. Naglalakad ako sa SM malapit sa Tayuman. Papunta na ako sa dentista nang may nakita akong photo exhibit. Kilala ko ang kumuha, pero nasa isang picture pa lang ako may lumapit na sa akin. Isang babae, alam kong saleslady of some sort. Nilinaw niya sa akin na may ibibigay daw siyang P20,000 accident insurance mula sa Buko+Buhay (in English). Wala raw akong babayaran. Inulit-ulit ko, wala akong babayaran, wala akong pipirmahan, walang kukunin na kahit ano man. Ngayon, hindi ko alam kung anong pumasok sa tatanga-tangang utak ko kung bakit ba naman pumayag ako. Siguro dahil mabait si Ate na lumapit sa akin, chinika niya ako. So sige, sign dito, tanong-tanong. At kung pwede ba raw ako mag-spare ng 15-20 mins para ibrief lang again tungkol sa company na “Buko+Buhay” in English. Lintik kasi tong puso ko na parang mammon hindi makasabi ng “hindi”, kaya nag-go...

Being Unemployed Doesn't Make You a Bad Person

Image
“Being unemployed doesn’t make you a bad person,” sabi ni kuya Mark Toldo noong maka-usap ko siya dati. Fresh college grad at wala pa rin ako sa working force, di pa rin ako nagbabayad ng tax. Naniwala naman ako sa words of wisdom pero medj nalungkot pa rin. Napasabi lang ako ng “sheeeeeeeeeeeeet”. Sooooo. Mag-kakalahating taon na pala akong nasa bahay. Total bum mode on ang peg ko ngayon. Wala pa rin akong trabaho. Ay, wait. Nagkatrabaho pala ako. Mahirap ikuwento sa ibang tao kung paanong 3 araw lang ako tumagal sa unang trabaho sa isang malaking tv network. Kung paanong pagkatapos kong makakuha at paggastusan ang NBI clearance, police clearance, baranggay clearance, medical exam, at drug test. Buti pala hindi ko masyadong pinagkalat, dahil nag-out na agad ako after 3 days. Hindi ako quitter kung matitiis, titiisin talaga but oh-no-no hindi ko kakayanin ang ganoong kundisyon. Nakasakay ako sa non-aircon bus sa Edsa ng 1am ng madaling araw, uuwi pa lang ako. 3 rd d...

Kung Bakit Panandaliang Namatay ang Blog ko

Image
Sa mga nakapansin, kung bakit hindi ako nag-uudate ng blog o ang pagiging inivisible ko pati na rin sa social media for weeks. Para akong artista na nagtatago sa fans at sa paparazzi. Baka maraming nagtaka, baka may mga naintriga, baka rin kumalat na ang tsisimis. Kaya heto ako, umaamin. Gusto ko lang pong sabihin na.. hindi po ako buntis. Charot. HAHAHA. Wala pa rin po akong boyfriend at wala pa rin trabaho hahaha. Ang mga dahilan at pinagkaabalahan ko, 1.  Nag-soul searching ako. Weh. :) How I wish. Hindi, nabusy lang siguro ako sa mga ibang bagay, katulad ng pagzuzumba, pananahi, pagtulog. Quotang-quota ako sa tulog, kung ano man ang kinapuyat ko noong nag-aaral, nabawi ko na ngayon apat na buwan! 2. Natakot ako sa mga likers ko sa Facebook, seryoso. Biglang tumaas yun reach ko pagka-graduate. Kung dating mga group of friends ko lang ang naglalike ng mga post at shineshare ko, ngayon pati mga kapitbahay ko hanggang sa kamag-anak ko from all around the world,...

Nang Maging Gamer Girl Ako (I think)

Image
Noong una akong maglaro ng Clash of Clans (COC). Hindi ko alam kung bakit. Bakit ko ba dinownload ang app na ‘to. Nalaman ko ang Clash of Clans, noong nasa PNR ako, kasama si Junno. Naguusap kami tungkol sa mga games o apps nang mabanggit niya, “COC? Hindi mo talaga alam? Weh.” Lagi ko siyang nakikita sa appstore. At kahit lagi siyang nasa top games, lagi ko rin di pinapansin. Sino ba naman ang matutuwa sa icon na barbarian na nakanganga at may hawak na espada? So dinownload ko, nilaro ko ng 5 mins. Training stage. Di ko magets. Exit agad. Pero wala, simula nang magusap ang mga kapitbahay ko noong summer tungkol sa COC, di ako maka-relate! Eh araw-araw kong kasama noon sila Junno, Andrea, sumama pa si Aj at puro COC ang topic! Sabi ko heto na, peer pressure man o ano pero kailangan ko man lang i-try. Kaya hala sige. Pinagpatuloy ang training, mga 30 mins kong pinilit maintindihan ang lahat. Ngayon, mas malakas pa ata ako maglaro kaysa sa kanila. Lagi akong naka-on...

Post Graduation Frustration at the Best Summer Evaaaaah

Image
Kagabi, ang mga laro sa Levitown 5 ay agaw-base, patintero, taya-tayaan at dodge ball. Nasa 2 nd round pa lang ng dodge ball nang magpaalam na akong uuwi. Sabay-sabay kong narinig ang, “Ate Giselle!”, “uwi ka na?”, “maaga pa!”, “hoy! San ka pupunta?”, “huwag munaaaaa!”. Huminto ang lahat para tumingin sa akin. Tipid na ngiti, kaway, mahinang “babay gudnayt” lang ang sinukli ko. Iniwan ko ang mga kalaro, para isulat ito. Bago pa magsimula ang laro, nakaupo ako sa tabi ng kalye kasama ng mga bata, nang makita kong naglalakad ang isang babae. Sa tingin ko, mas matanda lang ng kaunti sa akin si ate, naka-uniporme, may dalang shoulder bag at may earphones sa tainga, working woman na siya.  Pinanood ko siyang malagpasan kami. Naisip ko, dapat ata, katulad na ako ni ate, nagtatrabaho, nagsisimula ng career, nagbabayad ng tax, nagiging socially responsible at nagcocontribute sa Pilipinas. So bakit ako nakaupo sa kalye at naglalaro? Shet.     ...

Teks - Kapitbahay series 1

*The start of the “Kapitbahay Series” hahaha. Noong elementary ko unang nalaman, na I should be wary of my down under. Nasa school service kami nun, bus. Harapan yun upuan. Magkaharap kami. Uso pa yun mga ‘teks’ noon, Haha. Yun teks na maliliit na playing cards. Nilalaro ni J ang mga teks, pinapalipad ang iba nang biglang sumabog sa ere ang makapal na teks na hawak niya. Syempre, pulot naman lahat. Nakalimutan ko kung anong ginagawa ko noon, pero patapos na nilang makumpleto ang pagpulot ng teks, nang biglag tumahimik. Tumahimik bigla si J at ang ibang katabi namin. Napatingin ako kay J. Nakatingin siya sa akin. Tsaka siya tumingin sa palda ko. Yumuko ako at doon ko nakita ang kaisa-isang teks na hindi niya pa nakukuha.  Kaisa-isang teks na napunta sa pinaka-unlikely na lugar. Ang bruhang teks na by law of gravity at kababalaghan ng mundo, napunta sa gitna ng palda ko! Malapit sa perlas ng silangan! Walang kumikibo. At bago pa ako gumalaw para sana ako na ang kumuha..m...

Delete, delete, delete

Image
Shet. Nangangamba na ako para sa Drive C. ko. Mapupuno na ang memory ko, resulta ng lahat ng documents, powerpoints, pictures at videos sa nakaraang Senior year. Kailangan ko nang maglipat ng files o magbura.  Pero teka. Bigla kong naisip, parang hard drive din pala ang puso. At kapag ganitong nag-red at winawarningan ka na. Nakakapangamba.  Kaya bago ka mapuno ng lungkot, unahan mo na. Maglipat sa external drive. Ilipat ang atensyon sa iba. Ibuhos ang nararamdaman sa ibang gawain o sa ibang tao. Pero mas mainam, mag-delete. Nang mga files na nagpapasikip, files na uubusin ang natitirang memorya mo para ipaalala ang sakit at lalo na ang files na hindi mo naman talaga kailangan. Huwag din kalimutang i-empty ang recycle bin.  Dahil mapa-kompyuter man o mapa-puso, dapat alam natin kung hanggang saan lang ang capacity. Mabuti nang agapan o sukuan. Bago pa bumagal, mag-hang, mag-crash ang drive o tuluyang huminto ang system mo.  Kaya simula ngayon, uumpisa...

Graduation+SAD = Beer

Sa huling gabi ko sa dorm, uminom ako ng beer. Sa mga ganitong panahon lang ako nagiging clingy. In 2 days graduation ko na, parang time bomb.  Pag-uwi ko sa dorm kanina, ako na lang mag-isa. Ang isa nag-move out na. Ang 2, ayos na ang gamit at ipi-pick up na lang. Ang natitirang 2, babalik bago mag-march 31. Nakapag-1 st wave na ako ng move-out, aayusin ko na ang iba pang natira para sa 2 nd wave. Natulog muna ako, pagkagising ko, naisip ko..huling gabi ko nang matutulog dito. Naisip ko bigla, ang street ng V. Concepcion, ang ingay ng mga estudyanteng nagtatawanan, mga traysikel, si kuyang sumisigaw ng ‘balot’ sa gabi. Naisip ko itong masikip na kwarto, kung paanong sa dalawang taon, ito ang naging bahay ko. Ang pagpupuyat sa malamig na aircon, ang mga kasama kong di natatapos ang alaksakahan, pati ang tatlong ate na nagbabatay ng dorm at si kuya guard na lagi kong kabatian ng ‘good night’. Kakagising na kakagising, naisip ko yan. Haruuuy, ilang minuto pa, sumakit na an...