Teks - Kapitbahay series 1
*The start of the “Kapitbahay Series”
hahaha.
Noong elementary ko unang
nalaman, na I should be wary of my down under.
Nasa school
service kami nun, bus. Harapan yun upuan. Magkaharap kami. Uso pa yun mga ‘teks’
noon, Haha. Yun teks na maliliit na playing cards. Nilalaro ni J ang mga teks,
pinapalipad ang iba nang biglang sumabog sa ere ang makapal na teks na hawak
niya. Syempre, pulot naman lahat. Nakalimutan ko kung anong ginagawa ko noon,
pero patapos na nilang makumpleto ang pagpulot ng teks, nang biglag tumahimik.
Tumahimik bigla si J at ang ibang katabi namin.
Napatingin ako
kay J. Nakatingin siya sa akin. Tsaka siya tumingin sa palda ko. Yumuko
ako at doon ko nakita ang kaisa-isang teks na hindi niya pa nakukuha. Kaisa-isang teks na napunta sa pinaka-unlikely
na lugar. Ang bruhang teks na by law of gravity at kababalaghan ng mundo,
napunta sa gitna ng palda ko! Malapit sa perlas ng silangan! Walang kumikibo.
At bago pa ako gumalaw para sana ako na ang kumuha..may kamay na agad na
dumukot ng teks sa palda ko! Minabuti na ni J na siya na ang humagilap! Ni
hindi man lang niya inatyin na iabot ko sa kanya yun!
Mygash. Naglaro na
uli sila J at iba naming kasabay pero nanatili akong nakatingin sa kanya. Gulat
pa rin ang munti kong sarili sa nangyari. Buti hindi naman tumama yun kamay
niya sa perlas ko talaga, pero biruin mo, inches o centimetres lang ang layo! Syempre
sa musmos na edad, I felt violated. Chos!
Pero di nga,
mula school hanggang pauwi, di na ako nagsalita.
Comments
Post a Comment