Sinumpa Akong Hindi Magkaka-boyfriend. Shet.


“Hindi ka magkaka-boypren” sabi niya sa akin.

What. The. Hell. And she has the nerve to tell me that? Ang kapal, please.


Naglalakad ako sa SM malapit sa Tayuman. Papunta na ako sa dentista nang may nakita akong photo exhibit. Kilala ko ang kumuha, pero nasa isang picture pa lang ako may lumapit na sa akin. Isang babae, alam kong saleslady of some sort. Nilinaw niya sa akin na may ibibigay daw siyang P20,000 accident insurance mula sa Buko+Buhay (in English). Wala raw akong babayaran. Inulit-ulit ko, wala akong babayaran, wala akong pipirmahan, walang kukunin na kahit ano man.

Ngayon, hindi ko alam kung anong pumasok sa tatanga-tangang utak ko kung bakit ba naman pumayag ako. Siguro dahil mabait si Ate na lumapit sa akin, chinika niya ako. So sige, sign dito, tanong-tanong. At kung pwede ba raw ako mag-spare ng 15-20 mins para ibrief lang again tungkol sa company na “Buko+Buhay” in English. Lintik kasi tong puso ko na parang mammon hindi makasabi ng “hindi”, kaya nag-go na lang ako.

So sama naman ako kay Ate, pag-pasok ko sa office nila, nakinood pa ako ng One More Chance with my favourite love team John Lloyd and Sarah G. Pagkatapos, ipinakilala ako sa bagong Ate, let’s call her “Ate F”. Brinief niya ako ng ibibigay nila sa akin libre na insurance, paulit-ulit kong tinatanong kung libre, paulit-ulit nilang sinasabi na libre. Okay. Nag-fill up ako ng Personal Information form, pagkabalik niya may dala na siyang blangkong bond paper.

Oohhh. Alam ko na kung saan patungo ‘to. Nagsimula na ang question and answer, tungkol sa ipon, sa bank account, sa future.

“10 years from now, saan mo nakikita ang sarili mo?”

“Uhhh. Magkaroon ng boyfriend?” pabirong sagot ko.

“Wala kang pang boyfiriend? Tanong niya.

Well, wala pa naman talaga. Ano pa raw ang gusto ko in 10 years?

 “Pamilya, magandang trabaho, bahay at kotse, diba? Anong kailangan mo para dyan?, paulit-ulit ang tanong niyang ganyan.

Ipon. Doon laging doon bumbagsak ang sagot. Kaya sinasabi ko na sa kanya, ano ba ang iaalok niya? Makulit si Ate, step by step process daw. Kaya kailangan niyang isulat sa 2 bond paper ang mga salitang synonym ng ipon at future kumpleto ng mga bilog at sandamakmak na arrow.

Tsaka niya binitaw na kung mag-iinvest daw ako ng P100,000 a month, magkakaroon ako ng 1 milyon sa loob ng isang taon. At for the next 11-15 years, bibigyan ako ng 10% in cash ng kabuuang naipon ko. Syempre!!! Nagulat ako! Anong katarantaduhan ito? Hindi pa nga ako naguumpisa sa trabaho! Binabayaran ko pa nga itong braces ko eh!

So tumitingin-tingin na ako sa relo, kunwari nagte-text.  Medyo naiirita na ako, ang sinabing 20 mins max, pumapatak na sa 40 mins. Late na ako sa appointment ko sa dentist.

Dahil hindi ko panigurado kaya ang P100,000 ang month, naglabas na si Ate F ng table of fees.

Pwede naman daw P17 ,000 year. “No,”sabi ko. P6,000 for 6 months, no pa rin. P3,000 for 3 months, no pa rin. Para akong nakikipagtawaran sa Divisoria! Hanggang sa sige, pwede naman daw, para lang masimulan ko na, P2 a day, about P2,500 a year.

“As in now na ba? Ngayon ko na kailangan magdesisyon? Di ba pwedeng pag-isipan muna?”

“Ilang P2,500 na ba ang dumaan sa palad mo? Mas magandang ngayon na, hindi next year. Malay natin, anong mangyari sa’yo next year, next month, bukas?” sinasabi niya ito habang nakahawak sa balikat ko at pinapatingin sa mga litsugas na bond paper.

“Bakit, mamamatay na ba ako?” aba, defensive kung defensive ang tono ko.

“Malay natin,” sagot niya.

Huwow, So tinext ko agad ang tatay ko, ang reply niya lang sa akin, sandamakmak na “Wag”. Muntik na niyang i-spam ang inbox ko. Sabi ng tatay huwag, kaya no it is.

Nagsimula na akong magpaalam, “Bahala ka, ako lang nasasayangan sa’yo. Sayang naman ‘yan future mo kung hindi mo sisimulan ngayon. Ikaw lang naman ang iniisip ko.”

Sa loob-loob ko, apat na major subjects ng Advertising ang na-take ko sa college, ilang subjects ng Marketing, pero ni isang professor walang nagturo kung paano gumagana ang ‘salestalk’. Na kapag naghahanda nang tumayo paalis ang kliyente, nangongonsensya na sila, alalang-alala sa future ko at sinabihan pa ako na “destiny ang  pagkakatapong ito at sino ang may gawa ng destiny? Si God”.

Pambihira, awa ng Diyos wala talaga akong pera kaya hindi ako mag-gigive in sa future savings. Hindi naman ako nagdo-doubt sa kompanya nila, kilala at alam ko namang credible ito. Naniniwala naman talaga ako sa ipon, malamang dahil pinarealize ni ate F sa akin sa napakahaba niyang litanya sa bond paper na mahal mabuhay, na kahit 21 yrs old pa lang ako kailangan ko na magsimulang mag-ipon sa future ng aking magiging pamilya.  Alam ko rin kailangan ni Ate F ng quota, ‘yun nga lang, sigurado akong hindi ako ang kanyang destined customer.

Tumayo na ako, nakaupo lang siya, naka-cross ang braso at patuloy ang pangongonsensya niya, “sayang ka Ma’am. Sayang ang future mo, bahala ka.”

Ngumiti na lang ako at nag-thank you nang may hinabol siyang sinabi!

“Ayaw mo mag-ipon, hindi ka magkaka-boypren n’yan.”

What! Just what!!!! At that instant kumulo ang dugo ko seryoso. Lumabas na ako ng pinto at ng office nila. Gusto kong iumpog ang sarili ko sa pader. Gusto ko iumpog si Ate sa pader.

Porke’t ayaw kong mag-open ng future savings nila, idadamay niya na ang pagkakaroon ko ng lovelife?! Heto nga akong No Boyfriend Since Birth tas parang isusumpa niya pa akong walang magkakagusto o magmamahal sa akin dahil ayaw ko mag-ipon ng P17,000 para ibigay sa kanila? Hindi ba pwedeng wala lang munang pera? Isumpa niya na ang lahat, huwag lang ang love life ko, utang na loob!

Nakuha ko naman ang libreng insurance, but still. Lesson learned, hindi na ako kakausap ng kung sino-sinong nag-aalok sa mall. Baka maisumnpa na naman ako na hindi ako magkaka-boyfriend!

Pag ako nagka-jowa, wait ka lang dyan ate. Who you ka sa akin! Huhuntingin kita at isasampal ko ang jowa ko sa iyo!!!!

(Galit lang, hahaha.)



Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay