Nang Maging Gamer Girl Ako (I think)


Noong una akong maglaro ng Clash of Clans (COC). Hindi ko alam kung bakit.
Bakit ko ba dinownload ang app na ‘to.



Nalaman ko ang Clash of Clans, noong nasa PNR ako, kasama si Junno. Naguusap kami tungkol sa mga games o apps nang mabanggit niya, “COC? Hindi mo talaga alam? Weh.” Lagi ko siyang nakikita sa appstore. At kahit lagi siyang nasa top games, lagi ko rin di pinapansin. Sino ba naman ang matutuwa sa icon na barbarian na nakanganga at may hawak na espada? So dinownload ko, nilaro ko ng 5 mins. Training stage. Di ko magets. Exit agad.



Pero wala, simula nang magusap ang mga kapitbahay ko noong summer tungkol sa COC, di ako maka-relate! Eh araw-araw kong kasama noon sila Junno, Andrea, sumama pa si Aj at puro COC ang topic! Sabi ko heto na, peer pressure man o ano pero kailangan ko man lang i-try. Kaya hala sige. Pinagpatuloy ang training, mga 30 mins kong pinilit maintindihan ang lahat.

Ngayon, mas malakas pa ata ako maglaro kaysa sa kanila. Lagi akong naka-on. Araw-araw for the past month. Walang palya. Nakapag-google na ako ng forums, tips and tricks at kung ano-ano para madagdagan ang knowledge ko sa laro. Haha. Pati tatay ko, sinasabing magluto na raw ako ng tinola kaysa umatake. Sabi ng nanay ko, ang sama raw ng laro na ‘to. Aatakihin ko ang ibang village at nanakawin ang mga pinagipunan nila, sabi ko, hindi naman.  Strategy gamekasi  ang COC, hindi katulad ng ibang mga laro na mata at thumb lang ang gagamitin mo, heto gumagamit talaga ng utak. Pinag-aaralan mo ang galaw ng pag-atake, trial and error, kung ano ang gagamitin mong troops pang-atake, saan mo sila ilalagay. Pagalingan ng tantsa kung mananalo ka ba o matatalo.

Ano ba naman kasi ang mga nilalaro ko dati? Mga mind/word games at ‘Bakery Town’ lang,  pambabaeng pambabae. Ide-design mo ang sariling bakery mo, pero nang tumaas na ang level ko at nabili na ang lahat ng magagadang dekorasyon, wala ng thrill. Pag nareach mo na ang point na maganda ang bakeshop mo, K.

Pero ang gusto ko sa COC may tinatawag na clan. Naka-ilang lipat ako ng clan bago ako nakahanap ng okay. Sa clan kasi, may chat, kaya nakakausap mo Isang grupo na pwede mong kabilangan, isang grupo, maximum of 50 persons.  Mayroon din “Clan Wars’, makakalaban niyo ang isa pang clan. Lahat kayo aatake, paramihan ng stars na makukuha. Dito nabubuo ang camaraderie, as a clan kayong lumalaban. Nagsasabihan kayong ‘good luck’ bago umatake,  ‘good job’ kung successful ang atake at ‘its okay’, kung palpak. Kumabaga, parang isang classroom ang clan, at as one kayong lumalaban.

Real time mo rin makakausap kung sino ang online. Nakakatuwa na ang mga kamustahan mo ng good morning at good night ay taga-Greece, Belgium,  China, Australia, India, Indonesia. Magtatanungan kami kung anong oras na sa bawat isa.
Heto pa! May naka-email akong taga-France.21 yrs old, half-filipino at half-French,let’s call him “French Fries”, malamang crush ko!!! Pero tatlong linggo na ako sa clan doon niya lang nalaman na babae pala ako. Nakanang! Magbabakasyon pa naman siya sa Pilipinas ngayong July, yun nga lang sa Cebu didiretso. Haha. Talk about sawi.  Tas noong tinanong pa ng isang member, kung crush daw ba ako ni ‘French Fries’, sagot niya “not at all”. Awww, sa online game na lang nga nafre-friend zone pa! Kakalokang experience!

Medyo weird lang nga siguro na kung kailan malapit na akong mag-21 years old, tsaka pa ako na-addict sa larong ganito :)) Kung tutuusin, medyo matanda na ako sa edad kong ‘to. May mga kalaro akong 8 yrs old, ang normal range naman ay 12-16 yrs old. Automatic Ate at Kuya na kami. Pero cool. Dati kasi ang tingin ko sa mga larong ganito, nu ba yan. Walang kwenta o sayang oras. Ngayong ako na ang nasa posisyon na ito, gets ko na. Gets ko na kung paano ang feeling na kahit di mo masyadong kilala o pangalan lang ang alam ko, mabait pa rin sa akin. Gets ko na kung ano ang feeling ng masabihan ng “we will miss you guys”, “we’re still friends” noong paalis ako sa isang past clan.

Ang cheesy pero may nabubuo palang relationship sa mga ganito. :)) at sa simpleng laro pala, doon mo rin malalaman kung anong ugali ng tao.

    Ngayon, kaka-build lang ng bagong clan ni good friend Gwaphito. To whoever’s reading this na may COC at kailangan ng clan, search us, “Mustache Kings”, anyone is welcome! (Ai, nagpromote lang hahaha)

        Happy Clashing! :) 

Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay