Being Unemployed Doesn't Make You a Bad Person

“Being unemployed doesn’t make you a bad person,” sabi ni kuya Mark Toldo noong maka-usap ko siya dati. Fresh college grad at wala pa rin ako sa working force, di pa rin ako nagbabayad ng tax. Naniwala naman ako sa words of wisdom pero medj nalungkot pa rin. Napasabi lang ako ng “sheeeeeeeeeeeeet”.



Sooooo. Mag-kakalahating taon na pala akong nasa bahay. Total bum mode on ang peg ko ngayon. Wala pa rin akong trabaho.

Ay, wait. Nagkatrabaho pala ako.

Mahirap ikuwento sa ibang tao kung paanong 3 araw lang ako tumagal sa unang trabaho sa isang malaking tv network. Kung paanong pagkatapos kong makakuha at paggastusan ang NBI clearance, police clearance, baranggay clearance, medical exam, at drug test. Buti pala hindi ko masyadong pinagkalat, dahil nag-out na agad ako after 3 days. Hindi ako quitter kung matitiis, titiisin talaga but oh-no-no hindi ko kakayanin ang ganoong kundisyon. Nakasakay ako sa non-aircon bus sa Edsa ng 1am ng madaling araw, uuwi pa lang ako. 3rd day pa lang, overtime na ng 1 ½ hrs at di pa ako nakapag-break. 11 hrs na diretsong trabaho, walang pa palang OT pay, sick leave, medical benefits, holiday , shifting sched pa at may pasok sa weekends. Nagsimula na akong magtrabaho ng malaman yan, hindi ako na-brief sa working conditions.  Peer pressure o baka nabulag ako sa malaki at sikat na pangalan ng kompanya, kaya minabuti ko nang umalis bago pa ako makapirma ng kontrata, alam ko kasing hindi ako magiging masaya.

 Pagkatapos nyan, sumunod ang anemia.  Nang magpa-medical exam ako bago magtrabaho (kasabay ng pregnancy test incident sa fb status ko), ang finding ay anemic ako. Buti lumabas lang ang symptoms matapos akong magresign. Basta nagising na lang ako isang araw na umiikot ang lahat ng bagay. Sa mga sumunod na araw, maghapon akong naka-upo sa sofa at nanahi para di mabagot. Wag lang nga akong gagalaw sa pagkakaupo. Natapos ang buong linggo na nanghihina. Nang nilakad namin ng ate ko ang aso biglang umulan, hindi ako makatakbo. 1st time kong umalis ng bahay para magpunta sa grocery, nahilo na naman ako. Natutunan kong magluto ng adobong atay at umiinom na uli ako ng Milo.

Hindi pa rin ako tinantanan ng sakit. Sumunod naman ang pamatay na sakit ng ngipin. Sira na ang isang wisdom tooth ko sa bagang, tatanggalin na sana kaso nga humadlang si anemia. Na-atras ng 1 week ang bunot, na-extend ang antibiotics, 3 days before bago ako bunutan di na ako makatulog, naiiyak at nagdurugo na mismo ang ngipin. Nakanang talaga. Before, during at after ng bunot sinasaksakan ako ng anethesia at pagkatanggal ng ngipin, nakadikit pa ang nana! The pain, grabe. Unexplainable. Feeling ko isa yan sa greatest na na-overcome kong pasakit sa buhay.

Heto pa, nakasuot ako ng appliance (parang retainers) para ayusin ang alignment ng jaw ko. Mayroon akong TMJ (paki-google na lang ang hirap i-explain haha). So bago ako i-brace, kailangang suot ko ‘to ng 2 buwan o higit pa. Ilang linggo akong di makakain ng maayos, di makapagsalita. Hindi ko masabi ang “S”, ni pangalan kong “Giselle” di ko ma-pronounce. Kaya di agad ako nag-aapply pa uli, umiiwas pa kasi ako sa interviews hanggang sa matanggal ito. Maliban sa pagsulat, speaking ang isang strength ko. Wala akong problema sa reporting, recitation, socialization at interview, ngayon lang talaga. Nagpatong-patong ang sakit, problema sa ngipin-bibig at hindi pa ako makapagsalita ng maayos. Araw-araw na umiinom ako ng gamot, ilang linggong lunod sa supplement, painkiller at antibiotics.

May ugali kasi ako, hindi ako magkukuwento/ibabalandra sa lahat kapag nahihirapan ako o may pinagdaraanan. Ako yun taong magtatanong at mangungulit kung kamusta ka na at kung okay ka lang ba. Susubukan kong pasiyahin o magkwento ka, susubukan kong pagaangin ang loob mo. Kaya kong mag-absorb ng samu’t-saring feelings at makiramay sa kung anong pakiramdam mo.

Kung tatanungin mo ako pabalik? “Of course, I’m okay! I’m doing great!”. Ang laki ng ngiti kong maghihimutok hanggang pisngi, para akong sinag ng araw sa bayan na naulanan.

Ang dami kong ayaw ikuwento. Karamihan kasi ng fb status ko puro saya at kabaklaan lang, di mo akong makikitang magpost ng totoong kadramahan. Iilang kaibigan lang ang may alam ng detalye ng mga kwento sa taas. Syempre, kasi heto ang panahong feeling ko failure ako. 6 months men. Ang unang plano ko, mga 3 months na pahinga at pasarap lang, di ko rin naman inasahan na ganito tatagal. Although thankful, marami akong nagawa, napuntahan, natahi at aalis na rin ang ate ko para magtrabaho sa London kaya mabuting nakapag-bonding ako sa kanya pero di pa rin mawala sa isip ko kung ano na bang mangyayari sa 21 yr old self ko. Ako ang inasahan na isa sa mga unang magkakatrabaho at magkakaroon ng career-echos. Saan ba ako patungo? Minsan, napupuyat akong naghahanap ng opening sa jobstreet at jobsdb, naka-favorite lang ang mga prospect ko pero di pa makapag-apply, alam ko kasing hindi pa panahon.

Swear, minsan kapag tulog na ang lahat nasa cr ako tas bigla akong maiiyak! Gash, like I’m so malala na. Pero sinusubukan ko rin baka naman pala ang calling ko ay maging artista. Hahaha, ulol. Iniisip ko na lang na ‘yun trabaho? It's gonna come, I just know. May mga setbacks nga ako pero alam kong may rason naman kaya nangyari ito, pag alright na lahat ng kundisyon at tama na ang sitwasyon, keriboomboompow na yan! Alam kong this is just a phase and I'll get through it!

Iniiwasan ko rin magsulat ng blog sa mga ganitong panahon dahil automatic nagbibigay ako ng permission na sumilip sa buhay ko ang sino man makakabasa nito. Pagkapost ko nito, bubuksan ko ang isang maliit na pinto sa puso at aayain kayong mas kilalanin ako habang pinagdaraanan ko lahat yan. Sino ba naman tarantadong gagawa nun diba?

Eh di ako. So..ba’t may blog post na ganito? 2 days ago, naglalaro na naman ako ng Clash of Clans (dahil isa ito sa mga ginagawa ko sa bahay haha). I don’t know how one of my clan mates (team member) found this blog. Fortunately, he did. He told me how he was able to read some posts then he said,

“It’ crazy how much you can learn about someone just by reading what they wrote about”

“You’re a good person gigi”

 I was stunned. I stopped for a second and blinked a few times. It was one of those rare times when people casually say a comment but it’s amazing how 5 words can strike you with such a force.

It’s the kind of reaction from a reader that makes me wanna write more, makes me don’t want to stop ever. Just write anything and not to care if I sound inspirational or wimpy. I forgot that there are people who actually read me. Who says I’m a good person even if we’re an ocean apart. I’ve been through a lot that I forgot. I forgot that when self-doubt arises, writing eases the frustration and sharing eventually erases the pain.

So this is for you, Hoy or Chinito XD, as we are familiar with you. You who took time to get into my blog and read a few posts using google translate. He told me he was still a little confused but understood it alright. I didn’t know my blog could reach out to New York, to someone I met in an online game. I’ve always known I have an effect on people who read me, but now I realized that people who read me has a greater effect to me. Let’s rock!!!

(You’re probably wondering what was written above, a summary would be on how its my 6th month being unemployed. I got a job last Aug but because of not-nice working conditions, I quit and lasted only for 3 days. Got anemia after that, then had a massive tooth/molar ache for days, wearing this retainer-like to fix the alignment of my jaw and how it affected and messed up my speech. I was dozed with supplement, painkillers and antibiotic for weeks. This is why I’m always on in coc, haha. And also why I stopped writing for a while because I just didn’t want to talk about it. But after what you said about my blog, I just thought, I didn’t have to stop. I gotta share and I gotta rock!)



Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay