Kung Bakit Panandaliang Namatay ang Blog ko


Sa mga nakapansin, kung bakit hindi ako nag-uudate ng blog o ang pagiging inivisible ko pati na rin sa social media for weeks. Para akong artista na nagtatago sa fans at sa paparazzi. Baka maraming nagtaka, baka may mga naintriga, baka rin kumalat na ang tsisimis. Kaya heto ako, umaamin.

Gusto ko lang pong sabihin na.. hindi po ako buntis.

Charot. HAHAHA. Wala pa rin po akong boyfriend at wala pa rin trabaho hahaha. Ang mga dahilan at pinagkaabalahan ko,



1.  Nag-soul searching ako. Weh. :) How I wish. Hindi, nabusy lang siguro ako sa mga ibang bagay, katulad ng pagzuzumba, pananahi, pagtulog. Quotang-quota ako sa tulog, kung ano man ang kinapuyat ko noong nag-aaral, nabawi ko na ngayon apat na buwan!

2. Natakot ako sa mga likers ko sa Facebook, seryoso. Biglang tumaas yun reach ko pagka-graduate. Kung dating mga group of friends ko lang ang naglalike ng mga post at shineshare ko, ngayon pati mga kapitbahay ko hanggang sa kamag-anak ko from all around the world, updated. Sabi ko, nakanang, paano na ako makakapag-share ng mga bastos na posts? Haha. Dapat kunwari mabait ako, role model charot. Pili lang tuloy ang mga pinost ko. Pero simula ngayon? Ai nako, bahala na sila. Kakapagod magtimpi ah, sorry po kung makakita kayo ng R-18 na post haha. (Chill, wala pa naman akong nude pictures hahaa)

3.  Nang mag-Comedy writing workshop ako sa tv station, every week for 8 weeks may assignment kaming mag-isip ng konsepto. Syempre, dapat nakakatawa. Malayo ang genre ng comedy sa mga sinusulat ko, sabi ko nga sa mga kasamahan, mas malapit ako sa mga erotic at never pang nakapag-pure comedy. Nanibago din ako sa format, pang-tv ang mga logline, storyline at sequence treatment. Mula sa pagsusulat ng short stories, papuntang tv script format, mahirap din mag-adjust. Kaya madalas, pagkagawa ko ng assignment na dapat nakakatawa (pero laging last minute kong naipapasa), drained na ako para magsulat pa ng iba. 

4. Kaya naglalaro lang ako ng Clash of Clans. HAHAHA.

5. For the past month, litong-lito ako sa gagawin ko sa life. Though medj okay na ako ngayon, may mga araw talagang nagigising ako na para bang hindi ko alam ang purpose ko. Buti pa ang intersection, apat na daan lang ang pwede puntahan, eh sa life? Susmiyo, parang maze. Ang daming pwedeng daan pero hindi mo alam kung saan ang dead-end. Kaya ayaw ko naman na puro pagwawala lang ng saloobin ko ang mga ipopost kong blog o status. Madalas, ayaw kong nalalaman ng iba ang mga nilalabanan kong problema at kaguluhan sa buhay. Ang gulo na nga ng Pilipinas, makikisabay pa ba ako?

6. Noong pagka-graduate ko, ang active ko sa twitter. Dahil tuwang-tuwa sa freedom na nararamdaman, ang sasaya bawat tweet at hashtag. Syempre, naki-trend din ako ng mga plano at excitement para sa future, mga summer vacations with the beach and the sun.  Then days turned into weeks, isa-isang nababago ang mga tweets. Seryoso! Isa-isang nagiging frustrations ang mga tweets (aminin!), mga job applications na hindi nirereplayan, mga potential employers. Naging abangers kaming lahat sa email, ngayon ko lang nakita ang importansya ng email. Kaya lang nang mapalitan na ng rants ang mga tweets,  sandali na akong umalis sa Facebook, twitter at Instagram. Kumbaga, I need space. Kasi naapektuhan din ako. Kapag nakikita mong masaya ang iba, nafufurstate ka at kapag nafufrustrate ang iba, mas nafufrustrate ka pa. Diba? #Totoo.

7. Na-realize ko na hindi lahat kailangan ipost. May mga experiences, gimik o kabaliwan akong ginagawa na ang tanging journal ko lang ang may dapat malaman.Ang dami ko nang nasulat, hindi ko lang nga pinopost. Baka hindi pa ready ang mga istorya, pwede rin masyadong malapit pa sa puso ko ang mga naisulat, pwede rin iniintay ko pa kung may progress ang mga ito o pwede rin na baka matakot ang mga character ko pag nalaman nilang sila pala yun hahaha.


Sa halos 4 months na lumipas, alam kong ready na akong.. umibig ulit.

Charot na naman! Haha. Heto ako ngayon, ready na magblog ulit. Feeling ko, na-recharged na ako, kaya handa na akong magkuwento, makipagkulitan at magshare.  Nalasap ko na ang panahon ng pagiging certified bum, na-enjoy ko ng todo! Kinailangan ko lang talaga ang sandaling panahon para sa sarili ko. Ngayon magsusulat at magpopost na ulit ako! :)

MwahugxXx!



Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Ten by Ten

So.. there’s this guy.