Post Graduation Frustration at the Best Summer Evaaaaah

Kagabi, ang mga laro sa Levitown 5 ay agaw-base, patintero, taya-tayaan at dodge ball.

Nasa 2nd round pa lang ng dodge ball nang magpaalam na akong uuwi. Sabay-sabay kong narinig ang, “Ate Giselle!”, “uwi ka na?”, “maaga pa!”, “hoy! San ka pupunta?”, “huwag munaaaaa!”. Huminto ang lahat para tumingin sa akin. Tipid na ngiti, kaway, mahinang “babay gudnayt” lang ang sinukli ko.

Iniwan ko ang mga kalaro, para isulat ito.


Bago pa magsimula ang laro, nakaupo ako sa tabi ng kalye kasama ng mga bata, nang makita kong naglalakad ang isang babae. Sa tingin ko, mas matanda lang ng kaunti sa akin si ate, naka-uniporme, may dalang shoulder bag at may earphones sa tainga, working woman na siya. 

Pinanood ko siyang malagpasan kami. Naisip ko, dapat ata, katulad na ako ni ate, nagtatrabaho, nagsisimula ng career, nagbabayad ng tax, nagiging socially responsible at nagcocontribute sa Pilipinas. So bakit ako nakaupo sa kalye at naglalaro? Shet.

                Doon ko naramdaman ang post-graduation frustration.



Napatanong ako: Ano bang ginagawa ko rito? Bakit ako nakikipaglaro? 20 yrs old ba talaga ako? Okay lang ba na ang mga kasama at kausap ko ay  kalahati lang ng age ko? Okay lang ba na minsan, ako na ang pinakamatanda sa amin? Wait, dapat ba nag-aapply na ako?

Okay lang ba na hindi muna ako nagsusulat?  O nagbabasa?  Ngayong summer isang libro pa lang ang nabasa ko, panood-nood lang ako ng koreanovela. Okay lang ba na hindi pa ako nanahi? Ang hindi muna pag-isip sa tinataguyod na small business? Okay lang bang pagpahingahin ko ang mga kamay ko at gamitin muna siya para sa pagtatanim ng halaman at sa larong taya-tayaan?

Ewan ko pa rin ang gagawin ko sa future ko. Okay lang siguro, kasi napagod ako. Seryoso.

Noong 3rd year at 4th year college ko, maliban sa academics, naka-full force ng attendance ko sa writing workshops, seminars at talks sa loob at labas ng UST, dinadayo at nagre-register sa kung anu-anong conventions. Nakinig akong magsalita ang mga National Artists, mga matatalino, mga successful, big names sa industry at sa kani-kanilang field. Na-expose ako sa labas, nakapag-ojt, project dito, punta diyan, interview doon. Sabi ko rati, sisipagan ko at mag-iinvest. Heto ang mga kailangan ko para magkatrabaho, kailangan ng talents and skills. Nag-aral at nagpractice ako. Alam ng mga magulang ko ‘to, at ng barkada ko. Ang dami kong pinush na mga bagay, pinilit abutin, super active ako.  Isinabay ko sa pagbabasa ng makakapal na readings, pamatay na recitation at pa-effort-an na requirements ang pagsali sa writing contests sa loob at labas ng UST, pinalad na manalo naman. Nakapag-ayos ng local 2-day event, check na check. Nakapagpublish ng course paper, keri boom boom pow. Nakapag-judge sa prestigious media giving body, mataray. Pero pagakatapos nitong lahat, doon ko unti-unting na-feel na nakakapagod din pala ang mga serious stuff, nakakasawang maging magpaka-mature at responsible.

 Sabi tuloy ng iba, wala na akong problema sa resume, kayang-kaya na raw punuin. Kaya lang nga, hindi pa ako nag-eedit ng resume hanggang ngayon. Dinedelay ko ang pagkuha ng transcript of records, ng sss number, ng BIR tin, ng NBI clearance. Pabrowse- browse lang ako sa job openings pero hindi pa nag-aapply. Isa-isang nagsta-status sa Facebook ng “Officially employed” at “First day at work” ang mga kabatch ko. Anak ng tokwa talaga! Kapag nakabasa ako ng ganyan, automatic pupunta ako sa Jobstreet.com. magtitingin ng trabaho, pagkatapos ng ilang minuto, isasarado ko na ang computer.

Tsaka ko maiisip, okay lang, no pressure para sa akin. Hindi rin ako pinepressure ng mga magulang ko, chill lang kami.  Sasabihin ko, ayaw ko pa magtrabaho.

Kaya lang, bakit ba daw, naandoon na ako sa level na yun, biglang naging batang kalye ako. Ngayon lang kasi ako lumabas ng bahay, for the past summers, apat na bagay lang ang ginawa ko: magsulat, magbasa, manood at manahi. Halos kinulong ko ang sarili, ayaw ko rin lumabas dahil wala akong kakilala. Booooring to death talaga, bilang na bilang ko ang araw, para akong nilelechong baboy na nagmamantika sa loob ng mainit na bahay.

 Simula nang maging isa ako sa youth officer ng Levitown 5, lagi na akong nasa labas. Naging kabatian ang mga kapitbahay, nagsimula sa mga project for the kids ng mga Easter Egg hunt, labor day, panunood at pagchi-cheer sa basketball team namin, hanggang naging kalaro ko na sila, 1st name basis na ako sa lahat ng mga bata.


Pag hindi ko alam ang laro, sasabihin ko.. “Sige next game na, papanoorin ko muna”, pero mamimilit sila, basta sumali raw ako at sila na ang bahala sa akin. Nakakatuwa kapag mas bata sa iyo ang magsasabi ng “Dito ka lang sa likod ko Ate. Sundan mo lang ako, oo ako bahala!”. Ico-coach nila ako all the way, sasamahan, sasabihan kung anong gagawin. Sinasali pa rin nila ako sa laro kahit lugi silang team mate ako at ako nagpapatalo. :’) Ngingitian, kakausapin, sasamahan maglaro, mamaya “Mommy” na ang tawag sa akin at yakap-yakap na ako.

Syempre, napakasuwerte ko na magkaroon ako ng kapwa Youth Officers dito sa munting subdivision na nakasama ko ngayong Summer (Hi Pres, Andrea, Junno, Sam, Toy at Teton). Alam nilang tuwang-tuwa ako (halata naman kasi haha), pero sa post ko na ‘to, finally maiintindihan na nila kung bakit. Sa mga projects namin, paglalaro ng kickball, pagco-collect ng eco fund drive,  tulugan at sayawan sa loob ng kotse, pangingingain sa piyesta ng Lipa, Batangas, tulakan at sisiran sa swimming pool,  paramihan ng extra rice sa Chic Boy at malakas na tawanan hanggang 12:30 am sa McDonalds, sa kanila ko na-feel ang tunay na kuwentuhan, alaskahan at tuksuhan. Walang pinipili. Sa kanila ko na-feel na masarap palang sabay-sabay na umuwi, dahil magkakatabi lang ang bahay namin. Walang exchange o bayad ang lahat ng ginagawa namin, pero go pa rin, kasi masaya!

Nakakilala ako ng mga bata at ka-officers, na minsan hindi mo kailangan todo mag-isip para makipagkuwentuhan. Na hindi ka mapapasabak sa inglisan, hindi kailangan magtapatan at magpayabangan ng alam. Hindi nila kailangan makita ang litsugas na resume ko para maging sukatan ng galing at talino
.
Sabi na, I deserve this. Para sa mga ka-batch kong nagpapahinga at napapaka-bum pa sa bahay, we deserve this.  Yun trabaho at career? Darating din yan. Kaya for now, we deserve na maramdaman lahat ng simple joys at carefree na buhay bago tayo sumabak sa mas malaking mundo. We deserve na magkaroon ng ultimate-super fun summer break evaaaaaaaaah dahil baka last na summer break na natin ito. We're still young and it's okay not to figure out everything right now.

I deserve na makipaglaro hanggang 10 pm dahil dalawang taon na puro 9pm ang dismissal ng class schedule ko. Mayroon akong habambuhay para magtrabaho, pero ang maging bata ako at magkaroon ng mga batang kalaro? Kaunting panahon na lang ang natitira sa akin. Lastly, I deserve na makakilala ng mga kaibigan na mapapatche sa sugat at pagod ko.. char drama lang :))

So ano nang plano?

Alam kong lalabas uli ako ng bahay bukas ng hapon at sa susunod na araw at sa susunod at sa susunod pa. Alam kong after 10 years na hindi paglabas tuwing summer, bawing-bawi ko na ang na-miss ko sa nakaraang sampung taon. Alam kong matatapos ang May na masaya ako. Darating ang June na magpapasukan na uli lahat sila. Makikigulo sila sa National book store at magbi-bleach ng putim (puting nangitim) na uniporme para lalong pumuti. Magpiprint na ako ng resume, magsisimulang maghanap ng trabaho. Alam kong sasabak na uli kami sa kanya-kanyang mundo.

Alam kong mami-miss ko sila at ma-mimiss ko ito.


Naiisip ko na lang, 'yun masayang summer, minsan nasa tatlong kalye lang pala ng munti naming subdivision. Kaya, go Gi! Pakasaya ka muna tayo :)


Nag-eenjoy talaga ako! Nakapag-swimming, tumulak ng ibang tao sa pool, tumalon sa pool. Nagtanim ng mga halaman. Dumami ang pasa ko sa legs. Nahulugan ng bike, sumabit sa bike, nadulas at nadapa.  Nagluluto na uli, hindi na ako nalulunod sa 3-in-1 coffee. Nakakapanood na ng tv. Nakakapag-body scrub at hot oil sa shower. Kumakanta at sumasayaw sa cr. Nakapanood ng 8 basketball games, tumili at nag-cheer. Nag-jog, tumakbo, nag-bike, nakapag-shoot ng basketball. Natamaan ng bola sa boobs (chest pass ba naman kasi, ang sakit talaga nito hahaha).  Nailalakad si Ruppee the dog. Nagdu-doodle, color at lettering. Nakakatulog na ng 11 pm, gumigising ng 7 am. Gumigising ng walang alarm clock.  Nanaginip na uli, in full color. Kinilig hihihihi. Napahiran ng pintura at harina sa mukha. Nangitim. At to complete the best summer evaaaah, nag-zuzumba na ako! :)




Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay