Posts

Showing posts from 2013

Bago Manalo, Nabasted Ako sa TATLO!

Image
Kung binabasa mo ito at medyo nagsisimula ka pa lang, nasa phase ka na super inspired ka sa mga kilala mong author at libro mong nabasa, o kahit sino mang taong iniiidolo mo. Mataas ang pangarap mo at sinabi sa sarili mong magiging katulad mo sila.. pero nakakaramdam ka ng hirap, sakit, pighati at poot (talaga?). May ikukuwento ako sa’yo. Oo, naramdaman ko na 'yan.       Bago pa nalaman ng mga tao na nagsusulat talaga ako, bago pa ako nagsimulang gumawa ng storya, fiction o non-ficiton, bago ako naging active at ganito ka-bibo, may 3 importanteng pangyayari na naging balakid/totally nag-change ng course ng writing self ko.        Taong 2012, 3 rd year college nang binalak kong careerin ang writing. Nag-effort din kasi akong gumawa ng portfolio para sa tatlo, nag-print, pa-photocopy, nagpa-picture ng 1x1. At sabay-sabay kong  sinubok ang tatlong malalaking writing org ng university, 1. Ang official publica...

Panalo! x2

Image
(c) Photo courtesy to Ingrid Bobes, University of Santo Tomas December 14, 2013 – FIERCE HAHA! Ang ganda ko po please Nakuha ko po ang 1st place Maikling Kuwentong Pambata para sa ‘Tahing Kamay ni Nanay’ and 3rd place ng Sanaysay para sa ‘Pan de Coco’, sa 29th Gawad Ustetika, annual literary contest ng The Varsitarian, UST. Huhuhhu. Di ko ine-expect ‘yun pambata, naging worth it ang pagbasa ko ng 20 children’s books bago ako magsulat! Akala ko talaga pang-R18 lang ang category ko, pwede pala akong maging wholesome! I just want to thank Minerva, Millicent, Jaye at Ingrid na kasama ko sa event, kay Alfredo! Kay John Patrick Solano, na unang nakabasa ng kuwentong pambata ko, napakalaking tulong ng comments mo, pramis! Sa Chuckititas (OOPS!!) at mga kaklase kong walang sawang naghu-hug sa akin. Sa pamilya at kamag-anak ko, lakas mang-alaska nila forever! Sorry kung hindi po ako nakapunta sa ultimate Christmas family gathering natin huhuhu, heto na po ang pambawi ko. ...

Tulong

Image
11/16/2013 Ang ka-date ko tonight, si John Paul. Na-inlove ako sa batang ito, SWEAR! Sinong hindi magugulat at matutuwa sa ginawa niya? :) Palaging may namamalimos o nagbebenta ng sampaguita sa Dapitan. Kanina habang iniintay ko ang order sa Sisig Express, lumapit si John Paul sa akin, may dalang sampaguita at burger sa isang kamay (mukhang bigay lang). Bilhin ko na daw ng P20 para makauwi na siya. Oo naman ako. Nang palabas na siya, dumating ‘yun waiter, naglagay ng panibagong iced tea sa mesa, eh meron na ako. Narinig ni John Paul na may sobrang iced tea, tinanong niya kung pwedeng sa kanya na lang. “Sige”, sabi ko. Kukunin niya na ang baso nang bigla ko siyang tanungin, “gusto mo kumain?” (siguro nalulungkot na akong palaging kumakain mag-isa, CHOS). Ang bilis niyang sumagot ng “opo!” at umupo na agad sa harap ko. Habang kumakain, nagkuwento siya ng tungkol sa school, sa ibang friends niyang nagbebenta rin ng sampaguita, ang pamilya at ang 8 na kapatid pa. Tinanong niy...

Si Rizzy: Water Princess

Bago ko isulat ang entry na ito, naglalaba ako sa likod ng bahay namin kaninang mga 8pm. Kailangan ko nang labhan ang tatlong skirt kong inuwi mula sa dorm at isang tuwalya, dahil babalik na ako sa Linggo. Nakatitig ako sa washing machine, iniintay na mapuno ang tubig nang biglang napatingin ako sa kaliwa. Nakakita ako ng hugis ng aso. Pumikit ako. Pagmulat ko,  basang semento lang ang nakita  ko. At isa pa napaka-himbing ng tulog ng iba pa namin alaga sa may garahe. Hindi ko alam kung dahil ba November 1 at naisipan akong dalawin ni Rizzy. Pwede rin na-miss ko lang siya. Sa likuran ng bahay namin, naka-hilera ang washing machine, katabi ang isang malaking plastic na puno ng tubig, gripo, tsaka susunod ang mataas at mahabang sementong lababo. Tuwing naglalaba ako, nakasunod na sa akin si Rizzy. Tatakbo na siya kapag narinig niya ang pagbukas ng gripo at pag-awas ng tubig. Mayroon kasi kaming makipot at napakahabang canal. Ganito, isipin mo ang alulod sa ...

Kung Bakit Ba Talaga Ako Nananahi- Crazy Dreamy Crafts

Image
TOTOO BA ITO. AT 1:25 AM 10/23/13. Napansin ko kasi, na maliban sa ‘Crafts’ tab ko dito sa blog, kung saan naandun ang history, hindi pa ako talagang nakakakapagkwento tungkol sa isa ko pang pinagkakaabalahan. :) Maraming nakakita sa akin na in action sa pananahi, pero hindi naman ako nakikipag-tsikahan tungkol dito. At nagugulat din ang mga bagong kaibigan ko, kapag nalalaman nilang nananahi ako at may online business, ang Crazy Dreamy Crafts.   At dahil busy uli ako sa pananahi ngayon, hindi ako pinatulog nito! Grabe, nakahiga na ako at naka-lights out, tas ang daldal ng utak ko. ______________________________________________________________________­­­­­­­­_____ Iba ang ugali ko, kapag nagsusulat at nanahi. May alter-ego ata ako, biglang nagshi-shift. Peaceful ako at tahimik kapag nananahi. Hindi na ako kinakausap ng pamilya ko pag may hawak akong sinulid. Kahit may ka-chat ako, hindi ko muna pinapansin, hindi ako nagrereply sa mga text, naba-bad trip ako kapag may bi...

Bye-Bye Saranghae Korea Trip

Image
  Pupunta ako sa South Korea sa October 24-28, 2013!  DAPAT. #huhubells. Ready na ready naman na si Korean Visa :'( Napabili kami ng Ate ko, as in agad-agad, ng flight tickets papuntang Korea noong last November 2012 pa. Gustong-gusto ng ate ko mag-travel at fan na fan siyang tumingin at maghintay ng mga Piso travel fares ng Cebu Pacific. Natsempuhan, na noong araw na iyon – nagkaroon ng mga ultimate discount promo sa online website nila. P1 para sa local destinations at P99 lang para sa international. Travel period ay October –December 2013. Pasok sa sembreak ko, pwede naman mag-leave si Ate sa hospital duty. Nataranta kami bigla! Heto na! Matagal na naming dream ang makapuntang Korea, high school pa lang die-hard fan na kami ng mga koreanovela at movies – malakas kami mag-marathon nito , die hard fan ako ng Kpop songs at ang mga hottie but ultra skinny boys pero may abs, fan kami ng BB Cream at mga Korean make-up, fan ako ng Korean ice cream, gusto namin m...

Chippy at Pula

Image
Ayaw ko ng pula, feeling ko kasi ang lakas mang-akit ng kulay. Katulad nitong Chippy na malaki. Isang linggo ko siyang naiwan sa dorm, nakalimutan ko siyang nagchi-chill sa taas ng kama. Naabutan ko siya kanina -  nakahiga, nakatihaya, nakatitig sa akin. Mataba at punong-puno, parang bang tinatawag ako. Inaakit. Huwag ko na raw pang patagalin. Masarap daw siya. Oo. Alam na alam ko. Hala, sinong hindi makakatiis sa’yo? #HindiAkoBato #MedyoMalaswa (PS. Pwede na ata akong commercial model ng Chippy haha) 

Retaso

Image
* Nanalo ng 2nd place para sa Maikling Kuwento, noong December 21, 2013 sa Saranggola Blog Awards 5. Mabilis na tumakbo si Cholo papunta sa tatay niya, nakatayo sa tabi ng nakabukas na gate. Tumalbog-talbog pa ang matabang pisngi nito, “Tay-tay! Tutpeyst po, naiwan niyo!”. Inabot ni Cholo sa kanyang tatay ang tatlong sachet ng tooth paste. Isang oras na nag-empake ang laman ng bag si Isabela. Nagbalot ng gamit na timping-timpi, walang imik. Ilang damit lang, karamihan ay maluluwag na pambahay, pambaba ng asawa niya, isama pa ang ibang toiletries, pang-ahit, karton ng sabon, ilang tirang sachet ng shampoo. Pero nakalimutan niya ang tooth paste. Namili pa kasi siya ng litratong palihim na isisingit sa bulsa ng isang bag.  Napili niya ang pinakabago, 7 th birthday ni Cholo. May hawak na isang asul na lobo si Cholo, naka-suot ng ang paborito sando na may drowing na cartoon na Pikachu. Nakawahak ang magkabilang kamay sa magulang, habang nakatayo sa ledge ng Manila Bay. Maha...

MAGSUSULAT ULI AKO!

At dahil sembreak na, makakahinga na uli ako. Babalik at babalik ako sa pagsusulat. Diba? Tawag ko rito… #ProjectBlogAlive! Buhayin ang blog, buhayin ang OMAYGASH! :D

Para sa'yo. Minsan lang 'to.

Dahil minsan lang naman talaga ako mag-blog o magsulat in public ng kahit anong may koneksyon sa batang-puso ko. Minsan lang ito. I must keep my heart intact, INTACT! HINDI MAARING WALA PA NGA AKONG HOLDING HANDS, MADUDUROG NA ANG PUSO KO! Oh nooooooooooooooooooooo! Di nga, totoo. Wala pa akong holding hands, tas maha-heart broken na naman agad-agad, ako? Na ako lang ang masasaktan? Nakanampucha talaga oh. Boom boom boom boom pow! Okay, here it is. Para sa’yo. Syempre, akala ko kahit papaano maiisip mong magtext. Dahil napaalam ko na naman sa’yo ang state ko, noong 2 nd night pa lang. Tinanong mo kung hanggang kailan ako sa ospital, ang sabi mo lang ‘wawa nga’ at ‘pagaling ka agad’ sinabihan na lang kita na mag-ingat tsaka ako nagpasalamat.  Syempre, inakala ko magte-text ka rin after. Yaman mo sa load eh, parang tubig lang ng Nawasa ‘yan load mo. Ano ba naman ‘yun piso? O dalawang piso? Ano ba naman ‘yun, “Kamusta?” o “Ok ka na ba?” sa mga susunod na gabi at araw? K...