Tulong

11/16/2013
Ang ka-date ko tonight, si John Paul. Na-inlove ako sa batang ito, SWEAR! Sinong hindi magugulat at matutuwa sa ginawa niya? :)


Palaging may namamalimos o nagbebenta ng sampaguita sa Dapitan. Kanina habang iniintay ko ang order sa Sisig Express, lumapit si John Paul sa akin, may dalang sampaguita at burger sa isang kamay (mukhang bigay lang). Bilhin ko na daw ng P20 para makauwi na siya. Oo naman ako. Nang palabas na siya, dumating ‘yun waiter, naglagay ng panibagong iced tea sa mesa, eh meron na ako. Narinig ni John Paul na may sobrang iced tea, tinanong niya kung pwedeng sa kanya na lang. “Sige”, sabi ko. Kukunin niya na ang baso nang bigla ko siyang tanungin, “gusto mo kumain?” (siguro nalulungkot na akong palaging kumakain mag-isa, CHOS). Ang bilis niyang sumagot ng “opo!” at umupo na agad sa harap ko. Habang kumakain, nagkuwento siya ng tungkol sa school, sa ibang friends niyang nagbebenta rin ng sampaguita, ang pamilya at ang 8 na kapatid pa.

Tinanong niya ako, kung hindi ba daw niya mauubos pwedeng ipabalot, ibibigay niya na lang daw sa nanay niya. Sabi ko oo naman, nang pinapabalot namin ang ulam at tirang kalahating kanin, sabi niya kay kuya “Pwede pong padagdagan ng 1 kanin?” at nakita kong humuhugot na siya sa bulsa! Nagulat ako, pinigilan ko agad siya! Ako na kamo, pinabalot ko na ‘yun pagkain at sobrang iced tea at sabi ko pa mag-picture kami. Bago kami maghiwalay ng daan, hinigh-five ko siya, sinabihan ng ingat at umuwi na. 10 steps na ang nalakad ko when I heard him shouting. Lumingon ako, akala ko tinatawag niya ako. At nakita ko siyang tumatakbo..

Then the most amazing thing happened. Nilapitan niya ‘yun dalawang mas bata na pulubi (naka-brief lang ‘yun isa) sa gitna ng daan. TAPOOOS, inabot niya ‘yun burger niya! Huminto sa paglalaro 'yun bata at tinignan lang ang hawak na burger, mabilis naman tumakbo palayo si John Paul  Huhuhuhu. :’) It was the most touching act I’ve seen from a street kid.

Kaunti na lang ang tumutulong ng walang pag-aalinlangan, si John Paul ang best example nito. Ngayon lang din ako naka-witness ng pure and genuine na kabaitan, napakaswerte ko na nakilala ko siya. I’ve watched the movie “Pay It Forward”, totoo pala talaga, na parang mabuting virus ang pagtulong. Dadapuan ka hanggang sa magkahawaan kayo. ‘Yun nga lang, hindi ako ang nanghawa kay John Paul, siya ang nanghawa sa akin. At sa simpleng pagbigay ng burger, ipinaalaala niya (at siguradong tatatak na 'to sa utak ko) na ang pagtulong walang pinipiling edad, estado at sitwasyon. <3


Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay