Panalo! x2

(c) Photo courtesy to Ingrid Bobes, University of Santo Tomas


December 14, 2013 – FIERCE HAHA! Ang ganda ko po please
Nakuha ko po ang 1st place Maikling Kuwentong Pambata para sa ‘Tahing Kamay ni Nanay’ and 3rd place ng Sanaysay para sa ‘Pan de Coco’, sa 29th Gawad Ustetika, annual literary contest ng The Varsitarian, UST.

Huhuhhu. Di ko ine-expect ‘yun pambata, naging worth it ang pagbasa ko ng 20 children’s books bago ako magsulat! Akala ko talaga pang-R18 lang ang category ko, pwede pala akong maging wholesome!

I just want to thank Minerva, Millicent, Jaye at Ingrid na kasama ko sa event, kay Alfredo! Kay John Patrick Solano, na unang nakabasa ng kuwentong pambata ko, napakalaking tulong ng comments mo, pramis! Sa Chuckititas (OOPS!!) at mga kaklase kong walang sawang naghu-hug sa akin. Sa pamilya at kamag-anak ko, lakas mang-alaska nila forever! Sorry kung hindi po ako nakapunta sa ultimate Christmas family gathering natin huhuhu, heto na po ang pambawi ko.

Sa Erotics (ang dami natin haha) particularly kay Ryan,Rijel at Christine Emano na nanalo din, I’m supaaah proud. SIla ang kasamahan ko sa workshop na tumulong manglait, mag-edit at mag-cheer kahit 6 months ago nang natapos ang workshop namin. Strong pa rin kami! Kay Sir Eros Atalia, alam niyo po ‘yan, kayo ang unang nakakita ng potential ko.

PS. Ang dami kong na-hug/naharass na gwapong judges hahahahahaaha ohyeaah

Syempre sa cr ng dorm! Inspired talaga akong magsulat sa trono haha! At kay Lord, para sa inyo lahat ng ginagawa ko. Thank you po! HUUUUUG!

 
La Verti Residences, Sky lounge, Buendia

December 21, 2013. OMAYGASH!

“Wala nga pong papalit na d’yan nay, kaya nga paborito” (Cholo, Retaso)
1st time kong sumali ng Saranggola Blog Awards, 5 years na silang nagbibigay ng literary awards para sa mga online bloggers. At swerteng naka-2nd place ang Maikling Kwento kong may title na ‘Retaso’. Am zoo happy (halata naman sa picture haha), ang theme kasi this year ay ‘Tahanan’, very challgenging pala sumulat ng ganitong kwento.

Pwedeng mabasa rito ang winning entry ko  -> RETASO

Di ko talaga ine-expect, ang nasa isip ko lang nang isubmit ko ‘to last October, para lang maka-try sumali. Super thank you kay Sir Bernard Umali, sa pamamahala ng SBA, masaya po akong nakakilala ng fellow-bloggers ko! Kay Ms Beverly Wico Siy, hindi ko alam na judge pala siya, at hindi niya rin alam na ako pala ang nanalo. Nagkagulatan lang ng magkita kami sa venue at habang contestant ako sa isang bastos na ‘eat a banana between a man’s thigh’ game hahaha. Sinimulan ko ang blog pagkatapos kong mabasa ang libro niyang It’s a Mens World at sakto din na siya ang unang nakapag-judge sa blog ko.  Kay Sir Ronald Verzo, at kay Ms Bebang, thank you po sa pagsama sa akin hanggang dumating ang tatay ko. Hihi 

Congrats sa lahat ng nanalo at mga bagong kaibigan ko, lalo na kay Emman at Derrick! Para ito, sa lahat ng nagbasa, sumuporta, inaabangan ang Omaygash.blogspot.com  Sa mga kaibigan, personal, facebook o twitter man, na walang sawang nagchi-cheer sa akin para i-continue ang pagsusulat. Bubuhayin ko pa lalo ang blog, PROMISE! 

At para sa lahat ng batang katulad ni Cholo, mabuhay kayo!

Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Ten by Ten

So.. there’s this guy.