Bago Manalo, Nabasted Ako sa TATLO!
Kung binabasa mo ito at medyo
nagsisimula ka pa lang, nasa phase ka na super inspired ka sa mga kilala mong
author at libro mong nabasa, o kahit sino mang taong iniiidolo mo. Mataas ang
pangarap mo at sinabi sa sarili mong magiging katulad mo sila.. pero nakakaramdam ka ng hirap, sakit, pighati at poot (talaga?).
May ikukuwento ako sa’yo.
Bago
pa nalaman ng mga tao na nagsusulat talaga ako, bago pa ako nagsimulang gumawa ng storya, fiction o non-ficiton, bago ako naging active at ganito ka-bibo, may 3 importanteng pangyayari
na naging balakid/totally nag-change ng course ng writing self ko.
Taong
2012, 3rd year college nang binalak kong careerin ang writing. Nag-effort din kasi akong gumawa ng portfolio para sa tatlo, nag-print, pa-photocopy, nagpa-picture ng 1x1. At sabay-sabay kong sinubok ang tatlong malalaking writing org ng
university,
1. Ang official
publication ng university, ang The V
2. Official
publication ng college ko, ang The F
3. Official
writing ng university ang TWritersG
Sa
The V, naka-abot ako hanggang 2nd screening. Sa The F, naka-abot sa
interview. Sa pangatlo, ewan ko, wala talaga. Sa stage na ganyan, ang tanging magagawa lang ay maghintay. Nag-check ng email. Naka-abang
sa text ng confirmation. Tinitignan ang mga Facebook announcements. At halos
sabay-sabay kong nalaman na hindi ako nakapasok sa 3. Shet to the max.
Isa pa. Sabi ko
talaga, “sheeeeet” at alam kong umiyak ako noon. Writing lang ang alam kong
gawin simula ng elementary at tatlo pang magkakasunod ang hindi tumanggap sa
akin!
Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko: “Saan ako ang nagkulang?” “Saan
ako nagkamali?’, ‘Hindi pa ba ako sapat?’, ‘Ako na lang, PLEASE’
Ang drama lang?
Pero di nga, tinanong ko ‘yan sa sarili ko. Wala rin akong pinagsabihan na
rejected ako sa dami ng inapplayan ko. Wait, mayroon akong isang kabarkadang
pinagsabihan. May hinahanap kaming Prof, ang bigat na ng feeling at ayaw ko nang tiisin. Iniyakan ko na lang siya habang
nasa corridor kami.
Sa 3 ba naman,
ni isa walang tumanggap! Mygash, masyadong harsh. Masyadong in-your-face na
walang ibang makakita ng inakala kong talent. Ganoon na pala ang tindi ng
labanan, ang dami palang magaling, mas magaling kasya sa akin.
Fully aware
naman ako, kung bakit hindi ako nakalusot. Noong mag-entrance exam ako sa 3, ni
isang storya, wala pa akong nasusulat. Wala pa akong blog, wala pa akong
writing files na folder sa comp. Puro basa lang ako, theoretical lang ang
writing ko noon. Biruin mo, sa loob ng 5 hours na entrance exam, doon lang ako bubuo
ng kauna-unahang short story ko. Nakanang, alam kong nalunod sa laway ang
ballpen at lapis ko. Sumakit din ang mata ko sa kakatunganga. Nakagawa naman, pero malamang ang pangit pa
nun, pati yun scratch paper ko ata, tinapon ko na agad.
Naalala ko ang sumunod
na maka-ilang rejections, nag ie-email ako ng mga baguhang gawa para mapasali
kahit na sa online literary folios. Mayroon hindi man lang nagbigay ng
rejection letter, may isa namang di na nag-announce ng winner.
Nakaka-frustrate. Magche-check ng email, mapapakamot sa ulo ko, magbubukas ng
Microsoft Word, isasarado ang email, isasarado ang Microsoft word. Malulungkot.
Kamutin uli ang ulo. Feeling ko model na ako ng anti-danruff shampoo.
Pero hindi ako
tumigil. Matibay, matigas at makati ang isip+kamay, talunang ako nang sinimulan ang
blog. Nagpo-post dito, kahit noong una walang bumabasa. Habang marami ang gumi-give up agad, pangalawang buwan pa lang nang pagblo-blog, napagtiisan ko naman ng dalawang taon. Bawal na lumagpas ang buwan na walang post. Sumasali pa rin ng sumasali
ng sumali, email ng email. Nakabantay lang ako sa mga call for applicants, for
workshops, for submission, hala sigeee!
Simula nang di
ako matanggap, July 2012, naglagi ako sa library, araw-araw. Araw-araw akong
humihiram ng libro, hanggang sa matapos ko ang 3rd year. Mula sa mga
flash fictions, hanggang sa short stories, napunta sa mga tula, sanaysay, pati
script ng theatre plays. Pati libro tungkol sa iba’t-ibang klase ng ibon,
pinatos ko na. Simula naman September
2012, hanggang ngayon, di ko na mabilang ang mga kung anu-anong
seminars/conventions, book fairs lalo na ang warehouse sales na napuntahan ko. Nakapanood
ako ng indie films, theatre plays, lahat ng art at ka-arte-han present ako. Nakasali
sa workshops, napabilang sa mahal kong, The Erotics at nakapunta sa kung
kani-kaninong book launch (na minsan ay nangingingain lang pero di bumibili ng
libro hahaha).‘Yan ang version ko ng paglalakwatsa!
Nang mapabilang at matapos ang
script writing workshop (sa entertainment, live shows at game shows) sa GMA network
noong October to November 2012 at manalo ako ng award noong nakaraang Ustetika
- January 2013 , pinipilit ako ng mga
kaibigan at kakilala na sumubok uli sa 3 kong sinalihan. Umayaw ako. Umayaw uli
at umayaw. Hindi naman dahil sa gusto kong ipamukha na magaling ako at its
their loss. (parang di naman talaga ako loss, hahahaha) Sa akin lang kasi, mas natuto ako ng sarili. Nakaya ko ng sariling-sikap at naging
napakaganda ng outcome.
At kung hindi
ako na-reject sa 3 yun, alam kong wala ako rito. Baka mamaya, naging kuntento
na ako, sinabihan ang sarili na “may talent nga ako”, “sabi ko na magaling ako”
– kahit hindi pa naman pala. Baka nga hindi na ako nakasali sa dalawang ‘yan. Malamang hindi na rin ako pumunta sa mga conventions o sumali pa sa workshops, kasi aakalain kong magaling na ako. Pero buti na lang talaga, mabuti naman ang nadulot, tumaas ang
drive kong mag-aral at mag-practice. 'Yan ang pinakamasayang
rejections ko evaaah!
Sigurado akong mas
maraming rejection ang matatanggap ko sa future, naka-ilang award pero walang kasiguraduhan
na immune na ako sa failures. Alam kong marami pa akong iiyakan,
panghihinayangan at mga tanong ng kabalbalan/kalungkutan/pagkukutya para sa
sarili. Ayos lang!
Ang mahalagang
natutunan ko, pareho pa rin naman ang nanalong ako at talunang ako, cute pa rin
naman ako! Ang awards, confirmation na may iba pang tao ang may gusto sa
sinulat mo. 2nd purpose ko lang naman ang manalo, ang 1st
ko: para ma-practice at para huwag na tawaging quitter ang sarili ko.
Tandaan: Hindi ka mananalo kung hindi
ka sasali at kusang tinatakasan ng oportunidad ang mga mahihinang loob.
Yakapin ng buong-buo ang paghihirap, nakukuha naman kasi, sa pasensya at tiyagaan. Kaya para sa'yo, push
mo lang yaaan! Push pa, puuuuuuuuush! ;)
Hindi man ako natanggap sa tatlo, proud member at head pa naman ako ng The C, official pub ng course namin. Pasenysa na kung na-tengga ka sa kung anu-anong kabusyhan ko. Dontcha worry baby, makakapag-release tayo ng year-end issue! LEZDODIIZZ!
Hindi man ako natanggap sa tatlo, proud member at head pa naman ako ng The C, official pub ng course namin. Pasenysa na kung na-tengga ka sa kung anu-anong kabusyhan ko. Dontcha worry baby, makakapag-release tayo ng year-end issue! LEZDODIIZZ!
Comments
Post a Comment