Hello!
Jisell. Jissel. Jessel. Jisel. Gisel. Gissel. Gisell. Gisele.
Malapit na.
Giselle. G-I-S-E-L-L-E.
90% (hula lang) ng mga nakikilala ko mali ang spelling sa pangalan ko. Pero sabi ng mga foreigner, maganda raw ang pangalan na Giselle. Mahinhing 'thank you' ang sagot ko, sabay kamot sa ulo.
Nagsimula akong magsulat nang mag-nervous breakdown ako noong preschool, na umabot hanggang grade 1. Melodrama akong bata, ayaw umalis ng bahay at ayaw malayo sa pamilya (in short, gusto ko lang talagang manuod ng Cartoon Network). Naging coping mechanism ko ang pagsusulat, bawat tanong, bawat hakbang, bawat recitation at bawat pagtulo ng luha. Nalipat sa pagsusulat ng diary tapos journals (pina-sosyal na term) nakaabot din ako sa mga mapanglait o mapangsipsip na mga tula. Ngayon, sinusubukan kong magsulat ng mga karanasan at istorya ng buhay ko. Kathang isip man o hindi, lahat ng ito ay nagiging parte ko.
Kinakapa ko pa ang sarili, hinahanap ang aking boses at hinaharap ang sandamukal na takot. Sana ikaw ay maaliw, pero kung hindi. Halika! Samahan mo na lang akong mabaliw!
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Si
Marie Giselle R. Dela Cruz ay graduate ng Communication Arts sa University of santo Tomas.
Paborito niya
ang sundae sa Mcdo, ‘yun caramel flavour. Past time niyang magbasa ng tabloids
sa LRT/MRT. Madaling makatulog sa jeep, kung hindi inaantok tititigan niya lang
ang mga poste ng Meralco sa kalsada. Love na love niya ang lasa ng apple juice.
a nilang libro ang, Unang Putok! :) Maaring tignan ang FB page nila, o nitong blog para sa inquiries o possible book orders.
Pwede mo siyang
i-add dito, para mag-inquire ng 1st holding hands/hug auditions https://www.facebook.com/giselleeedc
o para matunghayan ang pagli-like niya sa picture ng kung sinu-sinong gwapong
nilalang. HAHHAA!
Dropped by. :) nice blog you have here. :)
ReplyDeleteHello Sam! :) awww, thanks for dropping by and commenting. It means a LOT! :) Hope you enjoyed reading, hooray for us bloggers!
Delete