Posts

Showing posts from March, 2013

Internal Server Error

Image
Pilit kong nirere-refresh. Internal Server Error. Nakakapagod, pero dapat tiyagain.  F5, F5, F5. Napagiiwanan na ako. “inform them of the time the error occurred, and ANYTHING YOU MIGHT HAVE DONE that may have caused the error.”  Ahh,  so ako pa ang may kasalanan ng error? Pero sabi nila huwag sumuko. F5, F5, F5. Sign of the cross. F5. Kahit anong kulit, ayaw pa rin. Shucks, ano ba ‘to. May Internal Server Error din ba ang puso mo? *Nang hindi ko mabuksan ang grade ko.  3/27/13 8:09pm

Tide (of the Ipis)

‘Pag bumuhos ang malakas na ulan sa UST. Taranta. Di lang estudyante, pati na rin ang mga ipis. Isa-isang, dose-dosenang  nag-uunahan, nagkakandarapa palabas sa butas ng manhole. Tumatakbong, palayo. Nakikisilong sa ilalim ng carpark. Pero unfair din pala ang buhay, kahit sa ipis. Nang ang mga naka-Accountacy uniform, skirt na hapit, makinis at shaved legs, makintab, itim ang sapatos na may matataas takong, Sabay-sabay na tumiliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii! “AAAAAAAAAAAAYYYYYY!, EWWWWWWW!” Tili ng tili. Para mapapatunayan ang pagkababae o pagkamayaman o pagka-duwag. Sabay, APAK! Apak pa ulit. Talon, sabay apak. ‘Pag may napatay, mas matining na tili. Di man lang nag-isip, naunahan ng diri. Na ang mga ipis na maliit, nais lamang lumisan sa takot ng baha at malakas na ulan. Dahil sila’y giniginaw din. *True story. March 22, 2013 sa UST carpark.  Ang sarap lang sampalin nila Ate, wala ba silang puso?! Ano bang g...

Makakasulat din ako ng love story

Hindi ako maka-sulat ng love stories. Ewan ko, pero hindi talaga. Ang hirap. Todo-effort. Siguro kasi, hindi pa ako nai-inlove. As in ‘yun pure, to die for, kind of love. Or baka hindi lang kaya ng DNA ko magsulat ng nakakakilig na pagmamahal. Wala pa. Kahit ilang dosenang love pocketbooks na ang nabasa ko, kapag kaharap ko na ang keyboard o bolpen at papel. Walang mga pusong kinikilig sa story lines ko. May kaunting love story, pero hindi ko ma-expound ang story line. Mga isa o dalawang scenes lang ng ‘relationship’ kuno nila. Huhuhu. At eto pa, mas madali para sa akin magsulat sa point-of-view ng lalaki. Dahil ba mataas ang androgen ko? Ang weird. O kaya third person point-of-view. Ba’t ganun? Dapat ata, mas okay ako sa point-of-view ng babae dahil babae naman ako. Pero tuwing ginagawa ko ‘yun, personal essay na ang lumalabas. Katulad ngayon. Hai. I must, I must try.

Kuya Tricycle sa Tapsilog Avenue

‘Medyo sad’ kumain ng mag-isa. Wala namang problema sa akin ang mag-isa. Pero sa panahong tulad nito, na mag-isa lang ako sa dorm (ilang araw ko na kasing inaasikaso at binabalik-balikan ang litsugas na medical certificate na ‘yan for OJT, x-ray na lang ang kulang ko tas ang lakas pa magcut-off ng “first 100 per day” sa Health Service. Eh buong Thomasian community ata nagpapa-physical exam. Ughhh.) habang ang ibang kaklase ko ay nasa beach/ out-of-the-country at/o feel na feel ang semana santa. Kaya kanina, naglakad ako sa Dapitan. Bago makarating sa aking patutunguhan na Tinapayan Festival, nadaanan ko ang Tapsilog Avenue. Matagal nang napagusapan namin sa dorm na kakain rito, pero dahil solo flight na ako nang ilang araw, last week pa. Minabuti ko nang unahan sila (o wala lang talaga kasi akong kasama). Pagkaupo ko sa maliit na open resto, ang kasama ko lang ay ang tatlong empleyado na bored na bored sa kanilang matching green uniform tshirts. Lahat sila abala sa pagte-...

'Pusong Bato' - karaoke, Manila Beer- Light, semento at pigurin

Mahilig mag-karaoke ang kapitbahay namin. Alam naman sa buong kalye na sila ang medyo hirap, pero sila ang pinaka-maingay. Karaoke na 'di Magic Sing, katulad ng nasa katabing bahay namin. Karaoke with the pindutan of buttons pa. Pero hindi ito tungkol sa karaoke-ng luma o ang estado ng aming kapit bahay. (although magandang gawan ng storya 'un, sige next time) Tungkol ito sa 'Pusong Bato', na naging official theme song sa mga karaoke place, kung saan naghahalo ang kalasingan at ang karumal-dumal na ka-emo-han ng matters of the heart. Naka-2 replay na ng Pusong Bato ang kapit bahay ko, at nakainom na rin ako ng 3/4 ng Manila Beer - Light, na nilibre ng Lola ko galing 7 Eleven. (The rest, inabot ko na sa tatay ko.) Mukhang pwede ko na sigurong talakayin ito. Hmmm, pusong bato. Heto ba 'yun mga unfeeling na tao? Wala naman atang ganoon. Palagay ko sila 'yun feeling, pero nababatong magsalita o gumalaw. Maraming iniisip, pero walang lumalabas sa bi...

Sinandomeng

Limang minuto ko nang kinukuskos ang mga plato, kutsara’t tinidor, ihalo pa ang kaldero ng champorado kaninang agahan. Matagal  at kinakailangan ng mahabang pasensya lalot’  mahina lang ang bukas ng gripo. Tipid na tipid sa tubig, kahit may Nawasang naghihintay sa tubo.   Nakakaya ng Joy ang sebo, pero hindi ang nanigas na butil ng Sinandomeng. Si Cecil lagi ang nagpriprisentang magligpit.  Laging masinop at kailanman di nagpapabaya. Pero pagkarating ko ng apartment, mga hugasin ang sumalubong sa akin. Sa kuwardrado at maliit na kwarto, walang bakas ng pambabaing gamit. Mas kapansin-pansin ang espasyo sa gawing kanan ng kuwarto. Wala ang kabundok niyang maruming damit. Hindi na hinintay ang Surf sun fresh at Downy passion na ipinabili sa akin. Pati ang panty na kaninang umaga lang isinampay, kinulang ng pasensya para hintayin mabagal na pagpapatuyo. Kanina, bago ako makalabas ng pinto, kinalabit ako ni Cecil. “Kalian mo ba ako pakakasalan Raymo...

(hindi) Takot

Dream guy ko ang rapist. Nanlilisik ang mga mata. Hindi mapakali. kamot sa ulo, panay tingin sa relo, tumutulo ang pawis. Naghihintay, Naghihintay. Naiinip, malaki ang ngiti. Dream guy ko ang mukhang rapist. Pagkakapal-kapal ng bigote’t balbas, pinagsungitan siguro ng oras, para sa pag-aahit. Ebidensya ng tanda, mas matanda, ubod ng tanda Pakunsuelo na lang na hindi marungis at kahit papaano, amoy shower pa rin. Dream guy ko ang ugaling rapist. Suot ay laging itim, gising hanggang takipsilim. Ninanamnam ang pagluluksa, gin at kape ang nilaklak,  nilalaklak. Ipinalit sa mineral water para punan ang pusong nawasak. Dream guy ko ang nagpipilit maging rapist Ilag sa pag-ibig. Mas nais pang masiyahan sa sexual na panggagamit Pero ang puso ipinagdadamot, ipinagdadamot. Takot at pahamak lang daw ang maiaalay at idudulot. Dream guy kita. Teka, matatawag ka pa bang ‘rapist’? Kung ako naman ang nang-aakit, Pili...