Ate Mangga at Kuya Avocado
Kaninang umaga napadpad ako sa Tayuman, sa sidewalk papuntang LRT at kaunting lagpas lang mula sa SM San Lazaro. Sa kaliwa, isang buong hilera ng religious shops. Rebulto nila Jesus Christ, Mama Mary, Pope at lahat ng santo. Prayer books, rosaryo at mga parapernalya sa misa. Dito ko rin nabili ang mini glow in the dark na Papa Joseph at Papa Jesus na kasinglaki lang ng thumb ko at katabing matulog, pati na ang laging suot na red rosary bracelet. Pero mas madalas, naaliw ang tingin ko sa bandang kanan. Kung saan sinasakop ng mga kariton ang isang lane ng dapat sanang 4-lane na kalye. Gustong-gusto kong naglalakad rito, bukod sa may mini palengke kung saan nakalagay ang mga isda sa plastic na timba, maraming prutas. Iba’t ibang klase, lahat sila may kanya-kanyang puwesto. Kanya-kanyang alok ng mga tindera na nakaupo pa sa ever-ready nilang plastic chairs. Dinadaan-daanan ko lang ang mga chico, papaya, pinya, apple, orange etc dati. Pero kanina habang nakakunot ang ...