Photocopy
Siya ang pinakamatalinong Xerox girl na nakilala ko. Ay mali, photocopy girl pala. Tanging tag line/quotable-quote/pangaral niya ang ‘Xerox is the machine, its photocopy’. Matagal ko na siyang nakikita, palangiti, makwento at mabait. Maraming katrabaho ko na ang nagtangkang makipagkilala, sagot niya raw palagi ay ‘hindi kita kilala’. Ayaw tumanggap ng calling card, ayaw naman ibigay ang cellphone number. Buti marami akong ID. Tuesday – Company ID Tatlo ang naunang nagpa-photocopy, lahat sila ‘xerox’ ng ‘xerox’. “Xerox is the machine, its photocopy.” Inabot ko ang ID, “pa-photocopy” sabi ko. Tumingin siya sa akin, saba’y ang pagkorte ng simpleng saya sa aming mga labi. Wednesday - Resume “Hmmm, Relations department? Sira ba yung photocopy machine dun?”, inusisa niya ang resume ko. ...