Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay
Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay (book review ata haha!) Si Sir Jarin, napamahal (mahal talaga?) na siya at naging malapit sa barkada ko. Mula nang bumisita siya sa klase, hanggang sa naimbitahan namin siya manood ng school play namin. Naging ka-chat at ka-like-an sa Facebook. At sa grupo namin, ako pa lang ang nakakabasa ng kanyang libro. Nauna na kasi akong nakapunta sa soft book launch niya sa UP Diliman. (minor spoiler) Kaya naman excited kong binalita na, “Pumasok pala ng kumbento si Sir? Grabe, isang taon!”. Isang malaking “WEH” ang narinig ko. Sa katunayan nga, napasimba ako noong hapon matapos kong mabasa ang ‘Kumbento’. Hindi ko alam, parang kailangan ko lang magsimba. Kaya naman pala panay like ni Sir ng mga religious post sa Facebook. ‘Yun pala ang hugot niya, nalaman ko kung saan siya nangagaling. Hindi lang talaga halata, hahahahaha (peace po)! Pero ngayon, nalaman ko rin kung paano siya naging ganito katatag. Sa totoo lang, kahit m...