Posts

Showing posts from April, 2013

Shhh, tulog na

Sasabak ka na naman sa puyatan. Kung kasama siguro kita sa mga oras ng disoras ng gabi.. Guguluhin ko ang basa mong buhok na kakagaling lang ng shower. Malamig na shower pampagising. Mamasahihin (o chochop-chopin) ko ang mga balikat mo para di ka na kumuba sa harap ng monitor. Pagtitimpla kita ng kape pero bago ko iabot ito, mabilis kong ididikit ang napaka-init na tasa sa iyong braso. Tunay na pampagising. Maaring manlaki ang mata mo at mainis ka sa akin. Kapag pagod ka na sa kakabasa, saglit kong idadampi ang aking labi sa talukap ng iyong mga mata, pagtanggal mo ng salamin. Malamya kong sasampalin ang mga pisngi mo, dahil wala nang epekto ang pang-ilang mong kape. Tsaka malarong pipisilin at marahang hahalikan ang magkabilang kambal. Ibubulong mo sa akin, “tulog na”, sa pagbagsak ng aking mga mata, kasabay ng pagbagsak ng ulo sa lamesang puno ng mga nasulatang papel. Tatayo ako mula sa silyang kaharap mo. Iiwan kita. Makakatulog ako ng tatlo o apa...

YEY! Book launch experience (source of katsismisan at kabalastugan)

THE EROS ATALIA WRITING WORKSHOP EXPERIENCE (sabi ni JC Pacala haha.) Perys taym kong maka-punta sa book launch, sa Solidaridad Bookshop sa may Padre Faura, Ermita. Sa may bandang ‘likod ng Rob Ermita’ (like, di nga, may likod ba ang Rob Ermita? San banda? Haha! Ang dami tuloy naming naligaw at na-late.) Pero di ko akalain na gagawin ko ang mga ito, kasama ng anim kong kasamahan sa writing workshop. Isa-isahin natin! (Si JC, Ryan, Chenley, Gianne, Peach at Karen) =  1.) Sabi ng mentor namin (si sir Eros Atalia), ‘eat and run’ kami. Medyo totoo nga naman. Kumuha kami ng pichi-pichi, palabok, at nung masarap na cake na di namin malaman kung gawa ba sa pili o pinya. Tumungga ng coke na puno ng yelo at tinitigan/pinagnasaan ang mga imported bottle ng vodka at tequila na naka-display.    2.) Nasa isang maliit na kuwarto lang kami kasama ang mga National Artists na sina F. Sionil Jose at Bienvenido Lumbera at ang bigating si Jun Cruz Reyes. Umuwi kami ng walang ...

Kahit Hindi Gwapo

Image
HINDI ka gwapo, matipuno o macho. Kahit anong pilit, laging kang talo. Compared sa ultimate baby face ni Dennis Trillo, at nakaka-kilig na dimples ni Diether Ocampo. Ay susko! Itabi pa ang tyan mo, sa poging abs ni Papa Piolo. Huwag ka rin tatabi ng hubo’t hubad, sa makalaglag panty na si Paulo Avelino. Pero hindi! Hindi magpapadala sa tukso! Ikaw pa rin ang tanging boto ng puso. Dahil para sa akin, mas yummy ka pa kaysa kay Coco! Sabi kasi ngayon,  ‘bagong gwapo’ ang  mga hindi namamansin, pana’y ngiti lang at tingin. Inshort, gwapo ang mga tulad mo, Ubod nga lang ng suplado! He! * Para sa lahat ng nangangarap na mahawakan ang mga katawan nila Dennis Trillo, Diether Ocampo, Papa Piolo, Paulo Avelino at Coco. HAHAHAHAHA. Number one na ako run!  ^ hihihihihi, COCO! <3 

Letter to Emily

Mababasa rito ang 'Nang Gupitin ni Emily ang Sariling Buhok' -->  http://omaygash.blogspot.com/p/emily.html Kahit hindi ako confident sa istoryang to, gusto kong itaguyod si Emily. Gustong makwento ang istorya niya. Naiisip kong palitan, baka hindi ako manalo dito. Kaya ko pang palitan. Pero ayaw ko talaga. Mas okay na sa aking hindi manalo basta maisulat lang ito. Iba si Emily. Boses siya ng ibang babae ng ating henerasyon. Hindi ko alam kung mabait ba siya o masama. Bobo o mapangsamanatala. Ang alam ko lang, katulad naitng lahat, nahihirapan siya. At may mga bagay na pinagdaaaanana natin sa buhay na kailanganng sabihin. Isambulat. Sa tingin ko isang mirror si Emily ng dalagang Pilipina, kahit pa man pangit ang maging pagkakasulat ko ng istorya. Hang in there, Emily. Tatapusin kita. Tatapusin ka ni Giselle. You are my baby. No regrets tayo diba? NO REGRETS EMILY! KAHIT ANONG MANGYARI!  Magkasama tayo dear. * Mga 2 days before ng deadline, marami pa ...

Omaygash! is under a 2-day maintenance! Thank you! :)

UPDATE as of 10:32 am, April 5, 2013 HUHUHUHU. Ang hirap naman i-edit nitong blog. Grabe. To quote myself, heto ang sinabi ko sa best friend ko, "nababaliw na ako rito, masyadong COMPLICATED. huhuuhuuhuhuu. mas complicated pa sa love life ang pag-aayos nito". Gumising pa talaga ako ngayon ng 7am para mag-invest ng oras dito haha. Hindi ko na nakayanan, gumamit na ako ng mouse para madalian ako.  Okay, heto lang gagawin ko buong araw.Gusto ko talaga maglagay ng live chatbox. Tas kakausapin ko ang sarili ko! O-KHHEYYY.  Kaunti na lang, GOGOGOOGOGGOOOOO! :) Hindi, marami pa pala!

Process - Let me touch your butt beybehh!

Image
I am now in the middle of changing the design of mahhh blog. Susko, kulang na lang murahin na ako ng Multimedia Arts student, at napaka-mutli-talented nga naman na bestfriend ko ang kapangitan ng blog ko. HAHAHA. Opo ma'am! I'll be extracting my design prowess sa susunod na dalawang araw. In the meantime, "let me touch your butt" buwahaha FYI, stored picture 'to sa laptop ko. At kung hindi pa ako mahanap ng matinong background bukas, may isa pa akong favorite stored pic! Ansaveeeehhh ng mga dinodownload kong picture?! HAHA. Mukhang magandang background 'tong si Aljur.. YUMMMMMY!!!

#Ngiti

Pagkalabas ng Jollibee. Pinigil kita. Bago tumawid sa intersection na madilim at puno ng jeep. Inangat ko ang kaliwang kamay, Dahan-dahan. Slowly but surely. Dahan-dahang, nilapat sa kanan mong pisngi. This is it! No room for pagtitimpi. Ginantihan ko ng malaking ngiti ang kumorbang ngiwi. Your eyes, medyo naging big. Medj lang. Siguro’y nagulat at nagtaka (pero sana’y dahil sa kilig) Dahil nang makaramdam ng lambot ang mga daliri, hindi ka lumayo, umiwas o gumilid. Pero hindi napapahaba ang mga sandali, hind rin blockbuster movie ang life para magslow-mo ang paligid. Kahit na. Keri lang beh! Naglakad akong palayo, malakas ang kabog ng dibdib. tugtugtugtugtugtugtugtug Ramdam ko ang pagkahulog ng loob. Swear, hindi ko sinasadya, hindi pilit. Patuloy na naglakad, kahit maraming tambay sa gilid, di mapigilan. To further elaborate, I just can’t resist. Tumataginting na laki ng #ngiti #ngiti #ngiti. First draft on 2...