Posts

Showing posts from August, 2012

28 days

Utang na loob! 28 days na kitang hindi nakikita. Hindi ko na kailangan ng scientific calculator o table ng degrees of freedom (na dapat ay inaaral ko ngayon) para malaman na 2 araw na lang ay mag-iisang buwan na kitang di nasisilayan. Naalala ko pa, birthday ko nang huli tayong nagkaharap. Feeling ko, moment of truth. Sure akong makikita ka sa araw na yon. Kaya kahit napakasungit ng ulan at kinailangan pang lumusong sa baha, carry lang! Suot pa ang bagong damit na binili sa Divisoria, with matching dangling earrings pa. Ikaw naman, naka-normal get-up na long sleeves black polo, nakatiklop hanggang sa may bandang siko. Oo nga pala. Iisa lang ba talaga ang kulay ng polo mo? Sang-ayon nga din naman ako, kasama ng karamihan ng tao na bagay nga talaga sa’yo ang black. Kaysa sa polo mong light yellow, parang kulay ng pinya, ayaw ko pa naman ng pinya. Although gusto ko sanang makita ka nang naka-blue. Maaliwalas at maamo. Ikaw, maaliwalas at maamo? Gusto kong makita kung sino ka na nun. ...

Happy Siomai

Bumalik na ako sa dorm. Umupo sa kama. Ako na lang ang nandito. Binuksan ang styro ng dapat sanang lunch pero naging merienda na sa hapon. Sa 3 taon kong pinantatawid gutom ang siomai rice, eto na ang pinakamasarap. Hindi dahil tipid. Hindi rin dahil P30 lang to at may pamasahe pa ako pauwi ng Paranaque. Hindi rin naman dahil crunchy pa ang tustadong balat. Unti-unti nang nanigas ang mantika ng 4 na pirasong fried siomai. Pautal-utal na ang pagsubo ko sa lumalamig na pagkain dahil sa malaking ngiting hindi ko matuwid. Sa kabila ng aking pagpasok kahit wala naman talaga akong klase. Sa kabila ng pagkabog ng aking dibdib at pilit na pag-alala ng bagong ligo+masculine perfume na amoy mo(kahit na walang memory ang olfactory nerves). At sa kabila ng kanin na lasang NFA at nalulunod pa sa toyo. Nakangiti pa rin ako. Dahil nabati kita ng Happy Birthday. 7/7/12

Tulog

Inaantok, kinakatok. Nang mga elemento sa mapayapang daigdig. Tinatawag, pinipilt. Isara ang mga mata at sumama sandali. Atras, sulong. Aking katawan makipag-kooperasyon. Sa pagpatay ng ilaw, pitong minuto na lang ang aking iniintay. Sa pitong minuto, mamamatay ang mundo ko at magsisikat ng panibago.

Goldfish – makinang na katawan

Goldfish, goldfish. Gusto ko ng goldfish. Dati pa. Sa paaralan ko nung elementary, nagkakaroon ng taun-taong katarantaduhan na ‘bring your pet day’. Grade 2 ako noon nang may nagdala ng 2 goldfish, nasa matigas na plastic container ng imported na pagkain. At dahil sa tuwa niya na ang daming natuwa, ang ginawa nila, isa-isa nilang nilulublob ang kanilang mga kamay sa kumikislap na tubig. Saka ididkit ng marahan ang kanilang palad at pipisain ang goldfish ng dahan-dahan. Noong una naiinggit ako, dahil walang natuwa sa dala kong ibon. Love bird ito, sabi pa ng tatay ko, ito daw ang dalhin ko. May sakit ang ibon, alam niya at alam ko din na mamatay na ito, pareho kaming patay malisya. Sabi niya na lang, “Dalhin mo, baka gumaling kasi ible-bless ni father” tango naman ako. Hala sige, dala. Ang tagal ko na kasing pinangarap na magdala ng kakatuwang alaga. Nakatitig lang ako sa ginagawa nila, pasalin-salin, lublob dito, lublob doon sa malabo nang tubig. Hindi makatarungan. Kung ak...

21

Hindi ko na kayang makinig, kung paano ka magsalita na parang wala tayong relasyon. Panay ang pakikipag-usap mo sa iba habang dinadaanan mo lang ako ng iyong mga mata, walang rekognisyon, walang pakiramdam, walang pagpapahalaga. Nanliliit ako sa harap mo, dahil isa lang ako sa kanila. Habang ikaw, tinitingala, rinerespeto at wala akong iba pang pwedeng gawin kundi sundin at makisama sa senaryong ito. Kagabi, ang unang pagpapakilala at pag-amin natin sa mga magulang ko. Alam natin pareho na dito magsisimula ang mga paghihirap natin at pagtutol nila. Nakita mo ang lungkot sa aking mga mata, habang tayo ay naglalakad, pinapalibutan ng mga taong nagtataglay ng pagtataka at pangungutya saan man tayo magpunta. Kaya’t hinawakan mo ang aking mga kamay, “Mahal mo ba ako?” ang marahan mong tanong. Walang pagpipilit, hindi rin naman naninigurado para lang isang batang walang muwang na nagtatanong. “Oo naman” ani ko. “Kahit mas matanda ako sa’yo?” nakakalungkot ...

Flirting 101 o Flirting 911? (Lalandi ka pa ba?)

“Girl!!!“, biglang chinat ko ang close friend ko. “Omgeeeee. Tignan mo to! Nilalandi niya ba ako? Or naglalandian kami?  Baka paranoid lang ako? Sabihin mo na sa akin kung friendly lang ah!” sabay copy+paste ng conversation sa chat box. Eto ang reply ng kaibigan ko. “Landiiiii”. Uh-oh. Oops. Confirmed. Nanlaki ang mata ko. Tumigil at nanatiling nakalapat ang mga daliri ko sa keyboard. Biglang nag red-alert ang utak ko.  “Hala! Pano na? Ano na ang ire-reply ko? Makiki-ride na ba ako? Do I make landi back? Or deadma? Ahhhhhhhhhhh!” Bakit nga ba nakakatakot makipag-flirt? Sa mga hindi masyadong malakas ang loob at in doubt sa kanilang seducing powers, bakit mas madaling isa-isahin ang mga pangalan ng mga pulitikong nakikipaglandian sa kaban ng bayan? Sa mga hindi pro, mga first-timers at pati sa introvert, bakit mas gusto ko pang suminghot ng polusyon sa mga humaharurot na jip at bus sa Maynila? Ewan ko ba, pero katulad ng iba, ako rin natataranta. Kaya nam...