Posts

Showing posts from August, 2020

#SalamatShopee: Mini bluetooth keyboard

Image
 Masaya siguro maging influencer no? Padadalhan ako ng mga kung ano-anong freebie/merchandise tapos ididikit ko sa mukha habang nagpapa-cute. Katulad nitong 'mini bluetooth keyboard' na ico-connect lang sa phone at tab, para ka nang may laptop sa halagang P288 lang! Sa mga WFH o nago-online classes dyan, sabay sabay nating sabihin, #SalamatShopee! 😂💖🎉🛒  Not a paid advertisement 😅 Pero ginamitan ko ng shipping voucher at Shopee coins, para maging P215 na lang! 🎉 May 20% coin cashback pa! Super happy ako with the purchase, it makes typing easier for me! Lalo na hindi naman laging nakabukas ang laptop ko, ang bigat at laki rin ng laptop ko para dalhin siya lung saan-saan sa bahay. One night naisip ko lang isearch na baka may external keyboard nang pwedeng i-connect sa phone and voila! Here it is! So far nagamit ko siya sa messenger, facebook at instagram, okay namana at madaling i-connect via bluetooth!  Usually kasi, pagkatapos kong mag-craft, pagod na ang mga kamay a...

TBT: Sakit ng ngipin at simpleng landi

Written and posted in my Facebook account last August 23, 2016.   Iba ang nagagawa ng sakit ng ngipin, nagiging mahalay ata ako! Buong maghapon kumikirot ang molar ko na gumuguhit mula sa panga at ulo ang sakit. Last week pa kasi dapat bubunutin ang sirang molar, nga lang last week din lumabas ang symptoms ng pagiging anemic ko. Nahihilo at nanghihina, sabi ni dentista magpalakas daw muna, inextend pa ng 1week ang antibiotic pero kanina, mukhang di na ako tinatablan. Bumili na ako ng malakas na painkillers (remember arcoxia?). Bago umuwi, naisip ko since buong week akong nasa bahay, mag-iikot muna ako sa subdivision. Nasa tapat ako ng basketball court nang makita ko si lalaking neighbor, nagpapahinga sa kakatapos na game. Bumababa na ang araw, umeepekto na ang gamot, nawawala ang sakit at parang nagiging numb na ako. Usap-usap-usap, nang bigla kong sinabi, Me: Ang gwapo mo. Him: Ha? Me: Ha? Wala. Usap-usap-usap pa. Dumidilim na. Magkaharap kami sa labas ng gate ng court, naaa...

Another (long) weekend

Image
Heto ang bungad ko sa journal entry ngayon umaga. Another (long) weekend). Wala na atang pagkakaiba sa akin kung weekend man, at lalo na long weekend, hindi ko na sila ma-differentiate.   Kahapon ang anibersaryo ng pagkapatay kay Ninoy, next weekend long weekend na naman. Ngayong year 2020 ang isa sa mga taon na sumasakto ang holidays katabi ng weekend, pati ang Pasko at New Year mahaba. Naalala ko last year, inaabangan tong taon kasi sagana sa holiday, masarap sanang mamasyal at gamitin ang work paid leave para makapag-travel. 'Yun lang nga, naudlot ang mga sana. Simula nang nag-resign ako last February 2019, hirap na akong masundan kung anong araw na ba, pero ngayon? Wala na akong idea! hahaha. Pre-Covid times kasi may sense of days pa ako, usually Friday night or Saturday ako gagala, makikipagmeet sa mga kaibigan, makikipagdate, mamasyal sa mall, at Sunday naman automatic na magsisimba kami sa hapon or gabi.  Pero ngayon, labo-labo na. Pakiramdam ko araw-araw weekend at pak...

Four years

 Four years. Apat na taon akong tumigil magsulat publicly.  Maraming nangyari sa buhay ko sa apat na taon, iba na ang Gigi na nagsimula nang blog na ito, sa nagsusualat ngayon. Maraming dahilan din bakit ako tumigil magsulat, nagka-tatlong trabaho, gumawa ng dalawang online business, at di mabilang na heartaches ang naranasan ko. Madalas napaka-ikli nang panahon at kaunti lang ang pagkakataon para igugol ko ang oras na isulat ang mga ito. Kaya tumigil ako.  Pero hindi ibig sabihin eh tumigil ako totally sa pagsusulat, sa mga panahong gusto ko magkwento, o mag-update, nariyan ang mga ever faithful journals at diary ko. Na-practice din ang aking pagsulat sa paggawa ng 'copies' at product descriptions sa bawat pinopost kong produkto sa mga Halina Jewelry social media at website. Hindi lang nga ako nakapagkwento para sa inyo, hehe, naging abala na ang mga kamay ko sa paggawa ng mga handmade accessories, bracelet at earrings. Nauubos naman ang pagiging madaldal ko sa pag-reply...