Kung Bakit Ba Talaga Ako Nananahi- Crazy Dreamy Crafts
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgXyLZgyAoEi6SD36fHeeWRquN7w4fCwLSE0PNl1q_ph7nvpWBrg1T2VQc5IXGdfWIv30xhpaL4Kja-l60OV0IglwV62CjN_zdioYYmmhuGdhyphenhyphen4zBPimMs5AmyAdTBo1wD2QVwMwGzIND5F/s320/Sperm+collage.jpg)
TOTOO BA ITO. AT 1:25 AM 10/23/13. Napansin ko kasi, na maliban sa ‘Crafts’ tab ko dito sa blog, kung saan naandun ang history, hindi pa ako talagang nakakakapagkwento tungkol sa isa ko pang pinagkakaabalahan. :) Maraming nakakita sa akin na in action sa pananahi, pero hindi naman ako nakikipag-tsikahan tungkol dito. At nagugulat din ang mga bagong kaibigan ko, kapag nalalaman nilang nananahi ako at may online business, ang Crazy Dreamy Crafts. At dahil busy uli ako sa pananahi ngayon, hindi ako pinatulog nito! Grabe, nakahiga na ako at naka-lights out, tas ang daldal ng utak ko. ___________________________________________________________________________ Iba ang ugali ko, kapag nagsusulat at nanahi. May alter-ego ata ako, biglang nagshi-shift. Peaceful ako at tahimik kapag nananahi. Hindi na ako kinakausap ng pamilya ko pag may hawak akong sinulid. Kahit may ka-chat ako, hindi ko muna pinapansin, hindi ako nagrereply sa mga text, naba-bad trip ako kapag may bi...