Si Jonas, my love
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjOGfPP-vg8QseHoLJxYYBHcl8QEfTeRaTicTcOoOvScR3kE27eWVyPD4gkgZc_kW0sa6W9nZTCSl5m88fWNaQRwMgEWxGHp54K9a2L6i5kRl9L9H8R6bXnheUiRGhyiX482T7DAzRskaX6/s400/DSC02050cropped.jpg)
Para sa bagong baby ko, si Jonas. Elementary pa ata ako nang huli kaming magkaroon ng isda, kaya matagal-tagal ko rin pinag-isipan ‘to. Last, last week, biglang nag-text ako sa tatay ko. “Dad, I want a fish”, pumayag naman siya. At dahil ako ang runner niya sa Cartimar (sikat dahil sa hile-hilera ng murang bentahan ng pet stores) para bumili ng pet paraphernalia ng mga aso namin, isabay ko na raw ito. Mahal naman ang aquarium at oxygen para sa gold fish, isa pa wala kaming paglalagyan sa bahay kaya fighting fish na lang daw. Kakabili ko lang kay Jonas kanina sa halagang 75 pesos. Hindi katulad ng ibang fighting fish na 25 pesos lang. Crown tail fighting fish, mas maganda ang fins, mukhang pinadaan sa paper shredder. Mas makulay rin ang breed na ito, mukhang metallic ang naghahalo na dalawa o tatlong kulay. Si Jonas ang napili ko, mula sa isang dosenang isda na tila nasa preso sa loob ng masikip na plastic cup. Marami namang kakulay si Jonas. Kulay b...