Holding Hands: 5 seconds walang malisya
December 21, 2015. Dumating na ang most-awaited moment ng Monday, uwian na!
Pagkatapos ng ilang minutong overtime, pinakamasarap na pakiramdam ang makalabas ng office. Malapit nang mag-6pm, dahil December mabilis nang dumidilim. Kasabay kong bumaba ng building ang 2 lalaking ka-opisina. Best of buds sila, dahil laging kabiruan, nahahatak na rin ako sa kuwentuhan. Tumatawid kaming Dela Costa street papuntang Valero, mga sampung hakbang lang naman. Nasa gitna nila akong dalawa nang may mangyaring di ko inaasahan.
Nakakita ako ng lumalapit na kamay mula sa kanan. Imagine this, ang feeling niya, ay 'yun tumatawid ka at bigla kang napatingin sa kanan tas may super bilis na sasakyan. Except na lang na, dyusporsanto, may nagwi-wiggle na 5 daliring papalapit sa akin!
Papalapit sa kamay ko!
Nasa kanan ko pa naman, itong ka-opismate na pinakamakulit sa aming tatlo. Baka kako, inaalalayan niya lang ako tumawid, pero ba't siya nakangiti? Tsaka nakahinto naman lahat ng kotse? Ang laki pa ng ngiti niya ah, abot tainga. Mischievous grin, may plano, may pinaplano, nanunukso.
Nakita ko pa lang 'yun kamay niya, kumunot na ang noo ko, bumukas ang bibig in disbelief, nag-panic at pasigaw na sinabing "Ano yaaaan?"
Sa loob-loob ko, alam ko na ang gusto niya, holding hands. Hindi ko matandaan kung balak niya bang dakmain ang kamay ko o hininhintay niyang hawakan ko ito. "No, no way, nu-uh," paulit-ulit kong sinasabi sa kanya.
"Ba't ayaw mo? Ganito lang 'yun oh!" Saka niya hinablot ang kamay ng isa pa naming lalaking kasama. Pabirong nagse-sway sway pa sila to demonstrate ang holding hands. Nang magbitaw na, humirit siyang uli,
"Sige na. 5 seconds lang, walang malisya!"
"AYAW KO NGAAAAAA!" Inilagay ko ang parehong kamay sa dibdib, umiwas na ng tingin. Dyusko Lord, para akong maghy-
hyper ventilate sa gitna ng Makati.
"Bakit sino ba huling naka-holding hands mo?", ang kulit talaga, ayaw akong tantanan.
Hindi ko rin nga maintindihan ang sarili ko, di naman siya pangit, skwating o DOM. On the contrary, matangkad, nakakatawa, mabait at (fine, medj cute) pa nga. Cool guy na masarap kasama pero ewan ko ba, imbis na kiligin, napalayo pa ako, ng mga 2 metro!
Pursigido talaga siya, "Osige, eto na lang, sinong unang naka-holding hands mo?"
Wala akong sinasagot, hindi na ako magkamayaw sa pagpupunas ng pawis sa noo at leeg. Sa buong paglalakad namin, naandoon ako sa gilid ng kalsada, kahit na malapad ang side walk. Pilit akong umiiwas at nakikipagsiksikan sa tabi ng poste ng Meralco at mga puno. Nangungulit pa rin hanggang sa naghiwa-hiwalay na kami ng pupuntahan at sa 10 minuto kong paglalakad papuntang Landmark, hindi ako mapakali.
Ako? Si Giselle/Gigi/Gigibabes, super kulit, bibo kid, tunay na palaban, walang inuurungan, magaling sa pabirong landian.. biglang natakot?
Siguro kasi.. wala pa akong naka-holding hands. Ever. Except na lang kung counted yun 'Ama Namin' sa simbahan. O ang aking 8 hours a day, 5 days a week romantic affair, na paghaplos ng keyboard at mouse sa opisina.
Teka! Wait a minute, may isa pala, college ako noon. Nagkaroon ng group presentation para sa isang writing seminar. Dahil magkaka-ibang school, sa UP Diliman ang naging tagpuan. 3 lang kami, nang umalis na ang isa, 2 na lang kaming nagikot-ikot sa UP campus. Pagdaan namin sa Sunken Garden at sa katabing magubat na park, di mabilang na mag-syota ang nakabalandra sa harap namin! Kanya-kanyang silang upo sa ilalim ng puno, bulungan, mahinhin na tawanan, mga kamay sa bewang.
Sabi ko sa kasama ko, "Try natin to." Kinuha ko ang kamay niya, tumawa ako ng malakas tsaka pabirong pinalo ang kanyang braso. Nakuha niya agad ang plano, tatalunin namin sa ka-sweetan ang mga mag-jowa at gagambalain ang lovey-dovey moment nila. Tumawa rin siya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Mga 30 seconds din nagtagal ang stint namin. Epektib naman, sandaling bumalik sa realidad ang mga mag-syota.
Technically 'yun lang ang holding hands na natatandaan ko. 30 seconds max.
Pero 'yun kusang lumapit para mag-HHWW? Wala pa ako nun, huy! Sa palabas ko lang nakikita yun, ino-overtake-an ko lang sila sa mall. Mga mababagal maglakad at akala mong mabibiyak ang lupa kung maghihiwalay sila ng ilang segundo.
Ilang araw na lang 2016 na, pero wala pang seryosong nagtangkang kunin ang mga kamay ko. Kamay na nagtatrabaho, nagsusulat, nanahi, nagpipinta, nagluluto, naghuhugas, naglalaba, nagbubuhat ng mabigat na bag. Kamay na pinapaliguan ng St. Ives lotion. Kamay na ang tanging hindi nagawa ay mahawakan ng isa pang kamay.
Pagkatapos ng mga nangyaring pagwi-wiggle ng daliri at iwasan, hindi na naman nangulit si opismate, hindi niya na rin tinanong kung bakit.
Aaminin kong hindi ko kaagad sinabi sa kanya, dahil natatakot akong sabihin na at this age of 22, wala pa akong holding hands at NBSB (no boyfriend since birth) din.
Natakot akong mapagtripan, biru-biruin at lalong gisahin kung bakit wala pa.
Natatakot akong sabihin na ang rason sa aking todo-todong pag-iwas ay dahil sa unang holding hands ko, I want to make it count. Gusto ko, legit na, 'yun totoo. Hindi 5 seconds na walang malisya. Aabutin niya ang kamay ko, dahil gusto niya talaga.
Kapag pala ganito ka na katagal naghihintay, nagiging big deal na ang maliit na bagay. Cheesy na kung cheesy, choosy kung choosy, pero ang may humawak ng kamay ko, with full meaning and in all honestly ang isa sa pinakaaabangan ko.
Milestone na siya para sa akin, pwede na rin pang life event!
Kaya sa'yo na sobrang nilayuan ko, sana maintindihan mo. Hahaha. It's not you, it's me, char. Pero hindi nga, kung sakalaing nagtataka ka, I didn't mean to say no, tamang rason at tamang panahon lang ang iniintay ko.
(Yessss, aldub lang?)
1/10 Ten by Ten*
*Part of the Ten by Ten series. Ang pangako kong magsusulat muna ng 10 blogs bago bumili ng bagong laptop. (Kung may pera na!)

Comments
Post a Comment