Gustong-gusto ng nanay ko na mag-aya at subukan ang mga bagong bukas na kainan/restaurant dito sa may amin. Tuwing nakasakay kami sa kotse, automatic kakalabitin niya ang tatay ko, kapag may nadaraanan kami. At madalas, tinatapat na namin ang pagkain sa labas tuwing birthdays, mother’s day, father’s day, graduation at kung anu-ano pang holiday. 5 years old ako nang lumipat ang pamilya namin dito sa Paranaque. Humiwalay na kami sa bahay ng lola ko sa V. Mapa, Caloocan. Residential area itong Better Living, ang subdivision namin ay nasa loob ng subdivision na nasa loob pa ng isang subdivision. Kabi-kabila ang mga security house, lahat ng bahay may gate, may kotse, tricycle lang ang tanging public transportation sa loob, sementado ang daan, alaga ang mga kung anu-anong klase ng damo at tahimik, sa hapon lang lumalabas ang mga ka-edad kong mga bata. Kadalasan 4-6 pm lang ang laro. Nakakapanibago. Lalo na kung ikukumpera sa V. Mapa, walang subdi-subdivision, paano isang bloke lang ka...