Posts

Showing posts from February, 2013

Polo

DAPAT HUWAG KA NANG MAG-SUOT NG KULAY blue. Bakit? Dahil prone akong mahulog sa langit at ulap. Sa kulay bughaw na polo. Award-winning, uber plantsado. At baka, kung, kapag sakaling mahulog (o tumalon) ako, mamaya'y nakalimot pala ang hangin na akoy' saluhin at mauwi sa nakamamatay na bangin, Kung saan ubod ng talas at gaspang ang mga bato. Huwag ka nang magsuot ng blue na polong plantsado. Pero anong magagawa, kung iyon ang aking gusto. Dahil totoo nang sinabi kong, "bagay ang blue sa’yo" 2/19/13

Dapat sa Resume..

  Resume. Lahat ng kaklase ko ay natataranta rito ngayon. Kailangang hasain namin ang VIP pass at winning lotto ticket na ifoforward sa kung ano-anong kumpanya. Maliban sa grades/report card, resume pa ang isang dapat pagkaabalahan. Ehhhh, paano na ‘pag wala kang maisulat? Halaaaaa? Sana pwede ring isulat sa CV/resume lahat ng inaplayan na hindi ako natanggap. Sa malamang 5 pahina na ang dokumento ko. Hindi ba pwedeng isulat sa experience ‘yun? Kung maari rin sanang ilagay lahat ng contest na sinalihan, hindi lang nga nasabitan ng medalya o nabigyan ng tropeo. Lalo na noong elementary at high school, n     Participant, Spelling Quiz Bee (wala na talaga kasing mapiling iba) n     Essayist, Essay writing contest (forfeit na lahat ng matatalino, dahil nanalo na) Sa college level, eto naman ang kadalasang dinaranas ng mga estudyante, n     Applicant, Mga pa-importanteng-tao-kala-mo-sino Organization n ...

Mula sa ' Kung Ibig Mo Akong Makilala'

"Kung ibig mo akong kilalanin, sisirin mo ako hanggang buto, liparin mo ako hanggang utak. umilanglang ka hanggang kaluluwa - hubad ako roon: mula ulo hanggang paa." - Kung Ibig Mo Akong Makilala ni Ruth Elynia Mabanglo

Yakapin Mo Ako sa Pebrero

February 3, 2013. Binuksan ko ang Twitter. Heto ang tumambad sa akin na tweet ng DZRH. “National Parks Development Committee: Unang 'Yakapalooza' ngayong Valentine's Day isasagawa sa Araw ng mga Puso sa Rizal Park” Ang reaksyon ko: “Omaygad hindi ko na kinakaya ito!!!” Reaksyon niyo:  “WEHHHHH? Di nga?” Legit to, promise! http://www.abs-cbnnews.com/lifestyle/02/01/13/1st-yakapalooza-ph-valentines-day-set Yakapalooza? Ughh, tas ang daming tao? Edi nagkapalit-palitan na kayo ng pawis. Kung iisipin natin, bakit may budget ang gobyerno para rito? At tuwang-tuwa naman ang mga private companies sa pag-sponsor ng mga loveey-doveey events. Hindi pa ba sapat ang mga gusgusin at pakalat-kalat na bata para masabing naguumapaw ang pagmamahalan sa Pilipinas? Kung ako ‘yan, magpapa-feeding program na lang ako. At aayain ko ang mga tatakbong senador, congressman, mayor at kahit barangay chairman na maghalo at sabawan ang pinipilit na masustansyang lugaw. ...