Posts

Showing posts from December, 2015

Holding Hands: 5 seconds walang malisya

December 21, 2015. Dumating na ang most-awaited moment ng Monday, uwian na! Pagkatapos ng ilang minutong overtime, pinakamasarap na pakiramdam ang makalabas ng office. Malapit nang mag-6pm, dahil December mabilis nang dumidilim. Kasabay kong bumaba ng building ang 2 lalaking ka-opisina. Best of buds sila, dahil laging kabiruan, nahahatak na rin ako sa kuwentuhan. Tumatawid kaming Dela Costa street papuntang Valero, mga sampung hakbang lang naman. Nasa gitna nila akong dalawa nang may mangyaring di ko inaasahan. Nakakita ako ng lumalapit na kamay mula sa kanan. Imagine this, ang feeling niya, ay 'yun tumatawid ka at bigla kang napatingin sa kanan tas may super bilis na sasakyan. Except na lang na, dyusporsanto, may nagwi-wiggle na 5 daliring papalapit sa akin! Papalapit sa kamay ko! Nasa kanan ko pa naman, itong ka-opismate na pinakamakulit sa aming tatlo. Baka kako, inaalalayan niya lang ako tumawid, pero ba't siya nakangiti? Tsaka nakahinto naman lahat ng kotse? Ang la...

Ten by Ten

Ang post na ito ay dahil sa isang pangako. Magsusulat ako ng 10 blog post bago ako bumili ng laptop (or pwede rin namang 20, mukhang wala pa akong budget ngayon haha) Nang bumigay ang keyboard ng beloved Toshiba netbook ko after college, namana ko ang laptop ni Lola. Mabilis infairness ah, at ang laki pa mg memory nito pero di na kaya ng battery kung di nakasaksak. Dalawang oras pa lang, hingal na ang fan at nang-inupgrade ko pa sa Windows 10, anak ng! Nakaka-limang pindot ako sa power button dahil nagcra-crash agad bago pa mag-start. Sa 30 minutes na iginugugol ko para magbukas, nakatakas na lahat ng gusto kong isulat. Nag-kausap kami ng Tito ko na buhayin muli ito pero gusto ko lang i-justify ang balak na pagbili ng laptop.  Dahil may need ako rito para sa pagsusulat.  Kaso di ko ito magamit, last May pa ang huling blog post ko. Bago ako bumili ng laptop, kailangan mapatunayan sa sarili na gusto ko uling magsulat. Kahit walang magbasa o mag-like, basta dapat ...