Posts

Showing posts from January, 2014

So.. there’s this guy.

There’s this guy. It was approximately 18 months ago. It was my 2 nd time in UP Diliman. (the 1 st is my college entrance exam on the campus, which I failed haha). I was a part of a scriptwriting workshop, in this big tv network. We were around 20 participants, coming from different universities and we met every Saturday for 2 months.  For a particular week’s presentation, we were formed into groups. There was me, this guy and our extremely energetic, gay leader. Since our leader studies in UPD, we decided to have our meeting in a nearby milk tea place. It was a Saturday too, the supposed workshop session was cancelled so we can prepare our shows. The afternoon passed while working on a powerpoint presentation for a tv show that we’ll be pitching.  We finished at around 5pm, our leader and the two of us separated ways. We went back inside the campus. I told him I never got around the place, he offered to show/tour me if I wasn’t in a hurry to go. I stayed. I’ll tell...

Tahing Kamay ni Nanay

*Nanalo ng 1st place sa Maikling Kuwentong Pambatang category sa 29th Gawad Ustetika, annual student awards for literature ng The Varsitarian, UST. Judges sina Rebecca Anonuevo, Michael Coroza, Luis Gatmaitan at Eugene Evasco. (Dec. 14, 2013) Tahing Kamay ni Nanay Magaling na mananahi si Nanay. Nananahi ng mga bestida, palda, polo, at kamiseta. Si Nanay ang tumahi ng mga uniporme ko pamasok. Kapag bertday ko naman, tinatahian niya ako ng bestidang may disenyo ng mga bulaklak. “Ang ganda ng bestida mo, JingJing!”,  bati ng mga kaklase at kalaro. Ang palaging sagot ko, “Ang Nanay Ester ko ang nagtahi nito!”. Sikat sa lugar namin si Nanay dahil sa mga gawang magagandang damit. Maraming kapitbahay ang nagpapatahi kay Nanay. Paborito ko ang paglalagay ni Nanay ng dekorasyon sa mga tela. Iba’t ibang materyales ang gamit niya. Matulis ang karayom. May kasing liit ng aking hinlalaki at may kasing tangkad ng hintuturo. Nakakatakot! Baka raw ako matusok at tumulo ang du...

Pan de Coco

*Nanalo ng 3rd place sa Sanaysay category sa 29th Gawad Ustetika,  annual student awards for literature ng The Varsitarian, UST. J udges sina Joey Baquiran, Jerry Gracio at Jose Wendell Capili.  (Dec. 14, 2013) Author's Note: May isang matinding wish lang sana ako,  hush-hush lang ito . ;) Pan de Coco Nakatikim na ako ng samu’t saring tinapay, magmula sa mongo bread, ensaymada, cheesy bread, egg pie, tinapay na hinaluan ng mapulang hotdog. Natutuwa man ako sa mga bagong lasa (lalo na kung may halong tsokolate at meringue) isa pa rin ang hinahanap-hapa ko, ang pan de coco. Elementary pa lang ako, mga edad 7 o 8 nang unang mag-uwi, isang gabi matapos manggaling sa opisina, ang nanay ng pan de coco. Ayaw ko tikman ito, naisip ko, wala siyang pinagkaiba sa pandesal. Kailangan pa akong guyuin ng nanay ko na may espesyal na laman ang tinapay. Ipinasok ito sa toaster, matapos ang ilang minuto, tinusok at nilabas gamit ang tinidor. Nakangiti niyang iniabot sa akin...