Bago Manalo, Nabasted Ako sa TATLO!
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhX5qAAs6O1dY9n2TKnMTm2SeffLGScFyW22s2spXL374LoPJ3pD4eKzJknC35osH6ZZQK6DQ809L9dNC8GsaRKGAplxQPhjQ1-EgPAdwZ4QPceYDEhwceX_9HhIWMsSz3wLEYC9xQljaKp/s400/Masakit+ma-reject.jpg)
Kung binabasa mo ito at medyo nagsisimula ka pa lang, nasa phase ka na super inspired ka sa mga kilala mong author at libro mong nabasa, o kahit sino mang taong iniiidolo mo. Mataas ang pangarap mo at sinabi sa sarili mong magiging katulad mo sila.. pero nakakaramdam ka ng hirap, sakit, pighati at poot (talaga?). May ikukuwento ako sa’yo. Oo, naramdaman ko na 'yan. Bago pa nalaman ng mga tao na nagsusulat talaga ako, bago pa ako nagsimulang gumawa ng storya, fiction o non-ficiton, bago ako naging active at ganito ka-bibo, may 3 importanteng pangyayari na naging balakid/totally nag-change ng course ng writing self ko. Taong 2012, 3 rd year college nang binalak kong careerin ang writing. Nag-effort din kasi akong gumawa ng portfolio para sa tatlo, nag-print, pa-photocopy, nagpa-picture ng 1x1. At sabay-sabay kong sinubok ang tatlong malalaking writing org ng university, 1. Ang official publica...