Posts

Showing posts from November, 2013

Tulong

Image
11/16/2013 Ang ka-date ko tonight, si John Paul. Na-inlove ako sa batang ito, SWEAR! Sinong hindi magugulat at matutuwa sa ginawa niya? :) Palaging may namamalimos o nagbebenta ng sampaguita sa Dapitan. Kanina habang iniintay ko ang order sa Sisig Express, lumapit si John Paul sa akin, may dalang sampaguita at burger sa isang kamay (mukhang bigay lang). Bilhin ko na daw ng P20 para makauwi na siya. Oo naman ako. Nang palabas na siya, dumating ‘yun waiter, naglagay ng panibagong iced tea sa mesa, eh meron na ako. Narinig ni John Paul na may sobrang iced tea, tinanong niya kung pwedeng sa kanya na lang. “Sige”, sabi ko. Kukunin niya na ang baso nang bigla ko siyang tanungin, “gusto mo kumain?” (siguro nalulungkot na akong palaging kumakain mag-isa, CHOS). Ang bilis niyang sumagot ng “opo!” at umupo na agad sa harap ko. Habang kumakain, nagkuwento siya ng tungkol sa school, sa ibang friends niyang nagbebenta rin ng sampaguita, ang pamilya at ang 8 na kapatid pa. Tinanong niy...

Si Rizzy: Water Princess

Bago ko isulat ang entry na ito, naglalaba ako sa likod ng bahay namin kaninang mga 8pm. Kailangan ko nang labhan ang tatlong skirt kong inuwi mula sa dorm at isang tuwalya, dahil babalik na ako sa Linggo. Nakatitig ako sa washing machine, iniintay na mapuno ang tubig nang biglang napatingin ako sa kaliwa. Nakakita ako ng hugis ng aso. Pumikit ako. Pagmulat ko,  basang semento lang ang nakita  ko. At isa pa napaka-himbing ng tulog ng iba pa namin alaga sa may garahe. Hindi ko alam kung dahil ba November 1 at naisipan akong dalawin ni Rizzy. Pwede rin na-miss ko lang siya. Sa likuran ng bahay namin, naka-hilera ang washing machine, katabi ang isang malaking plastic na puno ng tubig, gripo, tsaka susunod ang mataas at mahabang sementong lababo. Tuwing naglalaba ako, nakasunod na sa akin si Rizzy. Tatakbo na siya kapag narinig niya ang pagbukas ng gripo at pag-awas ng tubig. Mayroon kasi kaming makipot at napakahabang canal. Ganito, isipin mo ang alulod sa ...