“Lahat tayo nasasaktan. Okay lang ‘yan!”
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiEe4h-mdY1BrxbIom0zItF_jioG6HkBlljWHxMX02IleoedAuslBBP9tPDZPU7m7UllvTcd7ShoIBELMZDOmnPRRf4I7bjGDBseWt_g-mSnd7TkFLrFOB4vnCPc7VJqer7cRKd64gJtcaK/s320/Photo1791.jpg)
Ang pinakamalungkot na aspeto ng pagsusulat ay ang hindi maka-attend sa sariling book launch. Wala ako sa book launch ng grupo namin kanina. Kakasimula lang ng event nang mapilitan akong tumambay sa may chapel. Iniintay ko ang napakataas na Father para pumirma sa ng isang event form approval. Dahil kulang daw ang permit namin pero take note, ongoing ang book launch. Kailangan ng pirma, kailangan ng pirma, kailangan ng pirma, ang daming kumukulit. Pirma, pirma, pirma. Parang kamatis na ang ilong ko at namamaga ang mga mata, ang dami ko nang iyak na nagawa. May ka-meetingpa naman si Father. Isang oras akong naghihintay at nilalamig sa kwartong todo ang aircondition. Isang oras na naninigas ang uhog at sipon ko. Isang oras na wala akong magawa. Isang oras na nadudurog ang puso ko. Nang umalis ako sa ng chapel, hindi pa rin siya lumabas. Sa isip ko, 3 linggo ko nang inaayos ‘to, hanggang sa last hour ng event hindi pa rin maapprove-approve. Bumalik akong...