Neneng
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiYm9A7BOs1HJM4HU36G5ksL165nGha99k98f-HBWkGKXJc89ShOC3ACy4ukUG059VBX2WcAx38W3j-FY3lf6AoNk7NSdHwkFPiJeqtDZF0NfAMKxN5hu5ew77MYpHMcncQLc1FUhtXWJDh/s640/batya+ni+neneng.jpg)
Nakasakay ako sa UV Express shuttle van na mula Bicutan hanggang Lawton last Monday nang may madaaanan na isang laundry shop sa Bautista o Leon Guinto ng Brgy. Palanan, ewan ko lang kung Makati o Manila na ito. Bigla kong isinulat sa hawak kong notebook ang pangalan ng laundy shop. Na-intriga talaga ako sa pangalan ng store nila. Parang ganito pa nga ang font style ng signage.. Naisip ko lang, “Kawawa naman si Neneng, pinaglalaba na agad.” Malamang kung talagang pinaglalaba si Neneng, sa batis siya pupuwesto. Matapos niyang lakarin ang ilang kilometro ng masukal na gubat at matalahib na patag mula sa kubo nila. Dala-dala niya ang isang malaking batya. Hindi ‘yun plastic, pero ‘yun malaking tansa. Uupo siya sa malaking bato sa tabi ng batis. Kaya ganyan ang naisip ko, sa probinsya ko kasi naririning ‘yun 'Neneng'. Dahil nasa Makati/Manila siya, kawawa naman si Neneng. Sa murang edad, sinasabak agad sa mga washing machine na may Clorox at litr...