Posts

Showing posts from January, 2013

Bombahan sa Mall at Couple Stuff

Uso ngayon ang barilan at bombahan. HAHAHA!  WAIT. Ulitin natin. Nakakagulat (pa rin naman) pero hindi na gaanong nakakagulantang ang mga balitang tungkol sa pagnanakaw sa loob ng mall na sinalihan ng mga eksenang barilan at pagbobomba. Kaya naman napakatalinong strategy ng lahat ng mall ang maglagay ng dalawang security guard sa entrance. Ang tanging trabaho nila, magtsimisan, manghimas ng baywang at tusukin ng stick ang pinaghirapang buksan na bag. Tusok dito, tusok doon. Naku, mas intense pa ang pagtusok sa fishball. Paano kaya kung may granada ako sa bra? O asido sa isang glass bottle ng Gatorade? Teka, teka, teka. Hindi nga pala ito isang blog post tungkol sa kakulangan ng seguridad sa pampublikong lugar o kaya ang hindi sapat na training ng mga security guard in their super hapit uniform. Lalong hindi rin ito tungkol sa dumadaming masasamang loob na napakalas ng loob at di natatakot makuhanan ng mga CCTV camera. Marami na kasing nagtwi-tweet ukol s...

Entrance to Heaven

“Pare, balita ko mayroon daw sa top floor ng Isetann ah.”, bulong ni Jun sa akin noong nakaraang Lunes. “Anong mayroon?” “Heto naman. Iisa lang naman ang hilig natin eh, alam mo na yun”, ngisi nito. Tama, hindi na kailanganing ipaliwanag ni Jun. Noong nakaraang taon nang una naming masubukan. Sa Malate, Quezon Ave, Avenida, Recto, iniikot namin ang Maynila. Kahit sa Luneta at Baywalk, minsan pag malaki ang pera, Greenbelt. “Eh diba malinis na ang Isetann?”, pagtataka ko. “Oo pre, hush hush lang to. Ilang buwan pa lang, sinusubukan pa nila. Kaya, ganito ang gawin mo.. magsuot ka ng polo, dapat yung puti at plantsado. Tas mag-slacks at black shoes ka. At ayusin mo yang buhok mo! Suklayan mo, dapat pinong-pino, ala-Jose Rizal ba!” “Pucha pre. Ano ba naman yan, pano ba ako matitipuhan no’n?” “Di nga, seryoso ako. Ganoon kasi ag protocol dun. Sila ang lalapit sa’yo, alam na nila pag ganoon ang ayos mo. Dapat mukhang professional, mas gusto nila yung mukhang may...