“Ricky” Sunod-sunod ang tapik sa akin ni Jane. Sabado naman ah, bakit niya ako ginigising? “Ricky, ikaw ba yung nagpasok ng lahat ng sinulid ko? " “Oo” “Ano na naman bang pumasok sa isip mo?” _________________________________________________________________ Kagabi , pagkauwi ko ng bahay, naabutan ko na naman si Jane na nanahi. May alas-onse na, madaling araw na naman siya matutulog, sa makalawa na kasi ang delivery niya ng sampung kurtina. Noong isang buwan niya pa’to ginagawa, kung hindi lang sana napaka-arte ni Dona Clara at gustong burdahan pa ng Japanese sequins at beads ang telang gawa sa Korean silk. “Naghanda ka pa, kumain na ako. Mamaya ka pa matatapos?” Nanatiling nakakunot ang kanyang noo. “Jane?” Binitawan niya ang karayom at inabot ang Manila beer na nakatago sa likod ng mala-bundok na kurtina. Humagikhik ito, parang tawa ng bata. Tawa ng isang sira-ulong murderer na papatayin ang isang laruang manika. Nilapitan ko siy...
Four years. Apat na taon akong tumigil magsulat publicly. Maraming nangyari sa buhay ko sa apat na taon, iba na ang Gigi na nagsimula nang blog na ito, sa nagsusualat ngayon. Maraming dahilan din bakit ako tumigil magsulat, nagka-tatlong trabaho, gumawa ng dalawang online business, at di mabilang na heartaches ang naranasan ko. Madalas napaka-ikli nang panahon at kaunti lang ang pagkakataon para igugol ko ang oras na isulat ang mga ito. Kaya tumigil ako. Pero hindi ibig sabihin eh tumigil ako totally sa pagsusulat, sa mga panahong gusto ko magkwento, o mag-update, nariyan ang mga ever faithful journals at diary ko. Na-practice din ang aking pagsulat sa paggawa ng 'copies' at product descriptions sa bawat pinopost kong produkto sa mga Halina Jewelry social media at website. Hindi lang nga ako nakapagkwento para sa inyo, hehe, naging abala na ang mga kamay ko sa paggawa ng mga handmade accessories, bracelet at earrings. Nauubos naman ang pagiging madaldal ko sa pag-reply...
“Napabilang din ako sa beyblade ‘craze’ noong ako’y bata (kahit pa man babae ako). Isa lang ang original kong beyblade, yung kulay blue, kaya naman naging paborito ko ito. Minsan isinama ako ng tatay sa Cartimar, ibinili niya ako ng pinakamalaki kong beyblade, kulay puti. Doon lang din ako nakanood ng live beyblade battles pero dahil mahal ang beyblade ‘stadium’ kung saan dinaraos ang paglalaban, binigay na lang sa akin ng aking mga magulang ang kulay green na batsang panlaba.” Ito dapat ang una kong maaalala sa pagbabasa ng ‘Anim na Sabado ng Beyblade’. Dapat tuwa at saya ng nakaraang childhood, carefree na paglalaro, walang problema basta hawak ko ang beyblade ko. Pero hindi. Nasa jeep ako nang matapos kong basahin ang sanaysay. Hindi ko nabitawan ang photocopy, sa tricycle at jeep, sumakit man ang mata ko o mahilo, tuloy ang pagbabasa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman, iyakin pa naman ako sa mga bagay na ito. Hindi naman ako maka-iyak dahil nakapalibot sa aki...
Comments
Post a Comment