Posts

#SalamatShopee: Mini bluetooth keyboard

Image
 Masaya siguro maging influencer no? Padadalhan ako ng mga kung ano-anong freebie/merchandise tapos ididikit ko sa mukha habang nagpapa-cute. Katulad nitong 'mini bluetooth keyboard' na ico-connect lang sa phone at tab, para ka nang may laptop sa halagang P288 lang! Sa mga WFH o nago-online classes dyan, sabay sabay nating sabihin, #SalamatShopee! 😂💖🎉🛒  Not a paid advertisement 😅 Pero ginamitan ko ng shipping voucher at Shopee coins, para maging P215 na lang! 🎉 May 20% coin cashback pa! Super happy ako with the purchase, it makes typing easier for me! Lalo na hindi naman laging nakabukas ang laptop ko, ang bigat at laki rin ng laptop ko para dalhin siya lung saan-saan sa bahay. One night naisip ko lang isearch na baka may external keyboard nang pwedeng i-connect sa phone and voila! Here it is! So far nagamit ko siya sa messenger, facebook at instagram, okay namana at madaling i-connect via bluetooth!  Usually kasi, pagkatapos kong mag-craft, pagod na ang mga kamay at dali

TBT: Sakit ng ngipin at simpleng landi

Written and posted in my Facebook account last August 23, 2016.   Iba ang nagagawa ng sakit ng ngipin, nagiging mahalay ata ako! Buong maghapon kumikirot ang molar ko na gumuguhit mula sa panga at ulo ang sakit. Last week pa kasi dapat bubunutin ang sirang molar, nga lang last week din lumabas ang symptoms ng pagiging anemic ko. Nahihilo at nanghihina, sabi ni dentista magpalakas daw muna, inextend pa ng 1week ang antibiotic pero kanina, mukhang di na ako tinatablan. Bumili na ako ng malakas na painkillers (remember arcoxia?). Bago umuwi, naisip ko since buong week akong nasa bahay, mag-iikot muna ako sa subdivision. Nasa tapat ako ng basketball court nang makita ko si lalaking neighbor, nagpapahinga sa kakatapos na game. Bumababa na ang araw, umeepekto na ang gamot, nawawala ang sakit at parang nagiging numb na ako. Usap-usap-usap, nang bigla kong sinabi, Me: Ang gwapo mo. Him: Ha? Me: Ha? Wala. Usap-usap-usap pa. Dumidilim na. Magkaharap kami sa labas ng gate ng court, naaanigan na

Another (long) weekend

Image
Heto ang bungad ko sa journal entry ngayon umaga. Another (long) weekend). Wala na atang pagkakaiba sa akin kung weekend man, at lalo na long weekend, hindi ko na sila ma-differentiate.   Kahapon ang anibersaryo ng pagkapatay kay Ninoy, next weekend long weekend na naman. Ngayong year 2020 ang isa sa mga taon na sumasakto ang holidays katabi ng weekend, pati ang Pasko at New Year mahaba. Naalala ko last year, inaabangan tong taon kasi sagana sa holiday, masarap sanang mamasyal at gamitin ang work paid leave para makapag-travel. 'Yun lang nga, naudlot ang mga sana. Simula nang nag-resign ako last February 2019, hirap na akong masundan kung anong araw na ba, pero ngayon? Wala na akong idea! hahaha. Pre-Covid times kasi may sense of days pa ako, usually Friday night or Saturday ako gagala, makikipagmeet sa mga kaibigan, makikipagdate, mamasyal sa mall, at Sunday naman automatic na magsisimba kami sa hapon or gabi.  Pero ngayon, labo-labo na. Pakiramdam ko araw-araw weekend at pakiramd

Four years

 Four years. Apat na taon akong tumigil magsulat publicly.  Maraming nangyari sa buhay ko sa apat na taon, iba na ang Gigi na nagsimula nang blog na ito, sa nagsusualat ngayon. Maraming dahilan din bakit ako tumigil magsulat, nagka-tatlong trabaho, gumawa ng dalawang online business, at di mabilang na heartaches ang naranasan ko. Madalas napaka-ikli nang panahon at kaunti lang ang pagkakataon para igugol ko ang oras na isulat ang mga ito. Kaya tumigil ako.  Pero hindi ibig sabihin eh tumigil ako totally sa pagsusulat, sa mga panahong gusto ko magkwento, o mag-update, nariyan ang mga ever faithful journals at diary ko. Na-practice din ang aking pagsulat sa paggawa ng 'copies' at product descriptions sa bawat pinopost kong produkto sa mga Halina Jewelry social media at website. Hindi lang nga ako nakapagkwento para sa inyo, hehe, naging abala na ang mga kamay ko sa paggawa ng mga handmade accessories, bracelet at earrings. Nauubos naman ang pagiging madaldal ko sa pag-reply ng co

Super Tatay at ang Paggamot sa Malaking Peklat ko

Isang araw noong high school ako, sinabihan ako ng nanay na hindi na raw ako pwedeng maging Ms. Philippines at, taas-taasan natin ang pangarap, Ms. Universe. "Haaaa, bakit???" Takang-taka ako, how can my mother do this? Oo, mataba ako at 5'3" lang ang height, pero grabe naman! Akala ko ba sa bawat ina, automatic beauty queen ang anak niya? " Eh kasi tignan mo yan peklat mo oh, pano ka kakaway kapag nanalo ka na?" Ahhhhhh. Ang tinutukoy niya pala ay ang peklat ko sa kanang braso. Mahal pala talaga ako ng nanay ko,  dahil ang pino-problema niya pala ay paano kung nanalo na ako!  May malaking peklat kasi ako sa looban ng kanang braso, (meron din akong peklat sa labas, pero ibang storya na ‘yun haha).  Buti naandoon sa loob hetong pinoproblemamg peklat ng nanay ko, at kahit malaki, ka-skin tone ko pa rin naman kaya hindi masyadong halata. Pero kung nakitang mong close-up, lets say magkaharap tayo sa lamesa tapos nagpangalumbaba ako, mahahalata mo. Mak

Holding Hands: 5 seconds walang malisya

December 21, 2015. Dumating na ang most-awaited moment ng Monday, uwian na! Pagkatapos ng ilang minutong overtime, pinakamasarap na pakiramdam ang makalabas ng office. Malapit nang mag-6pm, dahil December mabilis nang dumidilim. Kasabay kong bumaba ng building ang 2 lalaking ka-opisina. Best of buds sila, dahil laging kabiruan, nahahatak na rin ako sa kuwentuhan. Tumatawid kaming Dela Costa street papuntang Valero, mga sampung hakbang lang naman. Nasa gitna nila akong dalawa nang may mangyaring di ko inaasahan. Nakakita ako ng lumalapit na kamay mula sa kanan. Imagine this, ang feeling niya, ay 'yun tumatawid ka at bigla kang napatingin sa kanan tas may super bilis na sasakyan. Except na lang na, dyusporsanto, may nagwi-wiggle na 5 daliring papalapit sa akin! Papalapit sa kamay ko! Nasa kanan ko pa naman, itong ka-opismate na pinakamakulit sa aming tatlo. Baka kako, inaalalayan niya lang ako tumawid, pero ba't siya nakangiti? Tsaka nakahinto naman lahat ng kotse? Ang la

Ten by Ten

Ang post na ito ay dahil sa isang pangako. Magsusulat ako ng 10 blog post bago ako bumili ng laptop (or pwede rin namang 20, mukhang wala pa akong budget ngayon haha) Nang bumigay ang keyboard ng beloved Toshiba netbook ko after college, namana ko ang laptop ni Lola. Mabilis infairness ah, at ang laki pa mg memory nito pero di na kaya ng battery kung di nakasaksak. Dalawang oras pa lang, hingal na ang fan at nang-inupgrade ko pa sa Windows 10, anak ng! Nakaka-limang pindot ako sa power button dahil nagcra-crash agad bago pa mag-start. Sa 30 minutes na iginugugol ko para magbukas, nakatakas na lahat ng gusto kong isulat. Nag-kausap kami ng Tito ko na buhayin muli ito pero gusto ko lang i-justify ang balak na pagbili ng laptop.  Dahil may need ako rito para sa pagsusulat.  Kaso di ko ito magamit, last May pa ang huling blog post ko. Bago ako bumili ng laptop, kailangan mapatunayan sa sarili na gusto ko uling magsulat. Kahit walang magbasa o mag-like, basta dapat maka-samp