Posts

Showing posts from 2016

Super Tatay at ang Paggamot sa Malaking Peklat ko

Isang araw noong high school ako, sinabihan ako ng nanay na hindi na raw ako pwedeng maging Ms. Philippines at, taas-taasan natin ang pangarap, Ms. Universe. "Haaaa, bakit???" Takang-taka ako, how can my mother do this? Oo, mataba ako at 5'3" lang ang height, pero grabe naman! Akala ko ba sa bawat ina, automatic beauty queen ang anak niya? " Eh kasi tignan mo yan peklat mo oh, pano ka kakaway kapag nanalo ka na?" Ahhhhhh. Ang tinutukoy niya pala ay ang peklat ko sa kanang braso. Mahal pala talaga ako ng nanay ko,  dahil ang pino-problema niya pala ay paano kung nanalo na ako!  May malaking peklat kasi ako sa looban ng kanang braso, (meron din akong peklat sa labas, pero ibang storya na ‘yun haha).  Buti naandoon sa loob hetong pinoproblemamg peklat ng nanay ko, at kahit malaki, ka-skin tone ko pa rin naman kaya hindi masyadong halata. Pero kung nakitang mong close-up, lets say magkaharap tayo sa lamesa tapos nagpangalumbaba ako, mahahalata mo. Mak...