Being Unemployed Doesn't Make You a Bad Person
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgw_mg-UBPK56K4BXrImyf7KWb2Hn40b6pPyu87hz45bsuhlbG5-S_Yf33kWSibXa8u4T8L3vfwgTP0B3T-Dc56JtnLw3J00RS3hZrRE8bWABgsWJtR466bkb4equfLnJ6Ye2DdvoWXXdKx/s1600/unemployed.jpg)
“Being unemployed doesn’t make you a bad person,” sabi ni kuya Mark Toldo noong maka-usap ko siya dati. Fresh college grad at wala pa rin ako sa working force, di pa rin ako nagbabayad ng tax. Naniwala naman ako sa words of wisdom pero medj nalungkot pa rin. Napasabi lang ako ng “sheeeeeeeeeeeeet”. Sooooo. Mag-kakalahating taon na pala akong nasa bahay. Total bum mode on ang peg ko ngayon. Wala pa rin akong trabaho. Ay, wait. Nagkatrabaho pala ako. Mahirap ikuwento sa ibang tao kung paanong 3 araw lang ako tumagal sa unang trabaho sa isang malaking tv network. Kung paanong pagkatapos kong makakuha at paggastusan ang NBI clearance, police clearance, baranggay clearance, medical exam, at drug test. Buti pala hindi ko masyadong pinagkalat, dahil nag-out na agad ako after 3 days. Hindi ako quitter kung matitiis, titiisin talaga but oh-no-no hindi ko kakayanin ang ganoong kundisyon. Nakasakay ako sa non-aircon bus sa Edsa ng 1am ng madaling araw, uuwi pa lang ako. 3 rd d...