Nang Maging Gamer Girl Ako (I think)
Noong una akong maglaro ng Clash of Clans (COC). Hindi ko alam kung bakit. Bakit ko ba dinownload ang app na ‘to. Nalaman ko ang Clash of Clans, noong nasa PNR ako, kasama si Junno. Naguusap kami tungkol sa mga games o apps nang mabanggit niya, “COC? Hindi mo talaga alam? Weh.” Lagi ko siyang nakikita sa appstore. At kahit lagi siyang nasa top games, lagi ko rin di pinapansin. Sino ba naman ang matutuwa sa icon na barbarian na nakanganga at may hawak na espada? So dinownload ko, nilaro ko ng 5 mins. Training stage. Di ko magets. Exit agad. Pero wala, simula nang magusap ang mga kapitbahay ko noong summer tungkol sa COC, di ako maka-relate! Eh araw-araw kong kasama noon sila Junno, Andrea, sumama pa si Aj at puro COC ang topic! Sabi ko heto na, peer pressure man o ano pero kailangan ko man lang i-try. Kaya hala sige. Pinagpatuloy ang training, mga 30 mins kong pinilit maintindihan ang lahat. Ngayon, mas malakas pa ata ako maglaro kaysa sa kanila. Lagi akong naka-on...