Post Graduation Frustration at the Best Summer Evaaaaah
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgww2csj4Q6UR-Suk5gRtKpe2tFrwOEsJokc2D3ArDyrcpR8LpcevIzpvmsGKf8d2lH5Skfx4meT5APcvXkfffPbIHa-DjpfPakKQ0c5YJAfaD3IO41x3eqiIVM9anLoi7uw_QbRhuF-53O/s1600/LVYO+Collage+kids.jpg)
Kagabi, ang mga laro sa Levitown 5 ay agaw-base, patintero, taya-tayaan at dodge ball. Nasa 2 nd round pa lang ng dodge ball nang magpaalam na akong uuwi. Sabay-sabay kong narinig ang, “Ate Giselle!”, “uwi ka na?”, “maaga pa!”, “hoy! San ka pupunta?”, “huwag munaaaaa!”. Huminto ang lahat para tumingin sa akin. Tipid na ngiti, kaway, mahinang “babay gudnayt” lang ang sinukli ko. Iniwan ko ang mga kalaro, para isulat ito. Bago pa magsimula ang laro, nakaupo ako sa tabi ng kalye kasama ng mga bata, nang makita kong naglalakad ang isang babae. Sa tingin ko, mas matanda lang ng kaunti sa akin si ate, naka-uniporme, may dalang shoulder bag at may earphones sa tainga, working woman na siya. Pinanood ko siyang malagpasan kami. Naisip ko, dapat ata, katulad na ako ni ate, nagtatrabaho, nagsisimula ng career, nagbabayad ng tax, nagiging socially responsible at nagcocontribute sa Pilipinas. So bakit ako nakaupo sa kalye at naglalaro? Shet. ...