Posts

Showing posts from April, 2014

Teks - Kapitbahay series 1

*The start of the “Kapitbahay Series” hahaha. Noong elementary ko unang nalaman, na I should be wary of my down under. Nasa school service kami nun, bus. Harapan yun upuan. Magkaharap kami. Uso pa yun mga ‘teks’ noon, Haha. Yun teks na maliliit na playing cards. Nilalaro ni J ang mga teks, pinapalipad ang iba nang biglang sumabog sa ere ang makapal na teks na hawak niya. Syempre, pulot naman lahat. Nakalimutan ko kung anong ginagawa ko noon, pero patapos na nilang makumpleto ang pagpulot ng teks, nang biglag tumahimik. Tumahimik bigla si J at ang ibang katabi namin. Napatingin ako kay J. Nakatingin siya sa akin. Tsaka siya tumingin sa palda ko. Yumuko ako at doon ko nakita ang kaisa-isang teks na hindi niya pa nakukuha.  Kaisa-isang teks na napunta sa pinaka-unlikely na lugar. Ang bruhang teks na by law of gravity at kababalaghan ng mundo, napunta sa gitna ng palda ko! Malapit sa perlas ng silangan! Walang kumikibo. At bago pa ako gumalaw para sana ako na ang kumuha..m...

Delete, delete, delete

Image
Shet. Nangangamba na ako para sa Drive C. ko. Mapupuno na ang memory ko, resulta ng lahat ng documents, powerpoints, pictures at videos sa nakaraang Senior year. Kailangan ko nang maglipat ng files o magbura.  Pero teka. Bigla kong naisip, parang hard drive din pala ang puso. At kapag ganitong nag-red at winawarningan ka na. Nakakapangamba.  Kaya bago ka mapuno ng lungkot, unahan mo na. Maglipat sa external drive. Ilipat ang atensyon sa iba. Ibuhos ang nararamdaman sa ibang gawain o sa ibang tao. Pero mas mainam, mag-delete. Nang mga files na nagpapasikip, files na uubusin ang natitirang memorya mo para ipaalala ang sakit at lalo na ang files na hindi mo naman talaga kailangan. Huwag din kalimutang i-empty ang recycle bin.  Dahil mapa-kompyuter man o mapa-puso, dapat alam natin kung hanggang saan lang ang capacity. Mabuti nang agapan o sukuan. Bago pa bumagal, mag-hang, mag-crash ang drive o tuluyang huminto ang system mo.  Kaya simula ngayon, uumpisa...