Graduation+SAD = Beer
Sa huling gabi ko sa dorm, uminom ako ng beer. Sa mga ganitong panahon lang ako nagiging clingy. In 2 days graduation ko na, parang time bomb. Pag-uwi ko sa dorm kanina, ako na lang mag-isa. Ang isa nag-move out na. Ang 2, ayos na ang gamit at ipi-pick up na lang. Ang natitirang 2, babalik bago mag-march 31. Nakapag-1 st wave na ako ng move-out, aayusin ko na ang iba pang natira para sa 2 nd wave. Natulog muna ako, pagkagising ko, naisip ko..huling gabi ko nang matutulog dito. Naisip ko bigla, ang street ng V. Concepcion, ang ingay ng mga estudyanteng nagtatawanan, mga traysikel, si kuyang sumisigaw ng ‘balot’ sa gabi. Naisip ko itong masikip na kwarto, kung paanong sa dalawang taon, ito ang naging bahay ko. Ang pagpupuyat sa malamig na aircon, ang mga kasama kong di natatapos ang alaksakahan, pati ang tatlong ate na nagbabatay ng dorm at si kuya guard na lagi kong kabatian ng ‘good night’. Kakagising na kakagising, naisip ko yan. Haruuuy, ilang minuto pa, sumakit na an...